Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 patay, 2 sugatan sa baha, landslide sa S. Cotabato

KORONADAL CITY – Tatlo na ang naitalang namatay habang dalawa ang sugatan sa malawakang pagbaha at landslide sa lalawigan ng South Cotabato dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan.

Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Nonoy Ga, 74, at Molina Ga, 71, mga residente ng Purok Tinago, Sitio Aksaon, Bonao, Tupi, South Cotabato, natabunan ng lupa sa naganap na landslide sa nabaggit na lugar.

Ayon kay MDRRMO Emil Sumagaysay ng bayan ng Tupi, natagpuan ang mag-asawang Ga sa bahay kubo na tinuluyan nila sa kanilang bukid.

Habang patuloy pang inaalam ang pangalan ng isa pang namatay at mga nasugatan sa bahagi ng Sitio Lamflawan, Brgy. Lunen.

Sa nabanggit na bayan, halos anim na mga barangay ang apektado ng pagbaha.

Samantala, tuluyan nang nawasak ang dalawang tulay sa Lungsod ng Koronadal.

Halos lahat ng mga barangay sa Koronadal City ang apektado ng pagbaha dulot ng pagbuhos ng ulan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …