Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mekaniko utas sa tingga, suspek tiklo sa ospital

PATAY ang isang 57-anyos mekaniko makaraan pagbabarilin ng isang lalaking biktima ng pananaksak kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Antonio Quinto, tubong Torrios, Marinduque, residente ng Block 29, Lot 10, Phase 2, Recomville 2, Bagumbong, Brgy. 171 ng nasabing lungsod.

Habang agad naaresto ang suspek na kinilalang si Joel Austria, nasa hustong gulang, kalugar ng biktima, nilalapatan ng lunas sa

Novaliches District Hospital dahil sa mga saksak sa kanyang katawan.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, dakong 8:20 p.m.  nang maganap ang insidente sa Diamond St. ng nasabing barangay.

Salaysay ng saksing si Mary Joy Pasacay, naglalakad siya sa nasabing lugar nang makita ang tumatakbong biktima habang hinahabol at pinagbababaril ng suspek na si Austria.

Nauna rito, lumabas ng bahay ang suspek ngunit makaraan ang ilang minuto ay bumalik na may mga tama ng saksak sa katawan na mula sa isang alyas Ambet na una ni-yang nakaaway.

Nang muling lumabas si Austria na armado ng kalibre .45 ay pinagbabaril si Quinto na agad binawian ng buhay.

Pagkaraan ay nagpahatid ang suspek sa nasabing pagamutan kung saan siya naaresto ng mga awtoridad.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …