Sunday , December 22 2024

Senate Report sa ‘Fallen 44’  ‘di tatalakayin sa Plenaryo

KINOMPIRMA ni Sen. Grace Poe na hindi na tatalakayin sa plenaryo ng Senado ang committee report kaugnay ng imbestigasyon sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay Poe, chairman ng Senate Committe on Public Order and Dangerous Drugs, fact finding lamang ang imbestigasyon at ito ay isinumite na sa Office of the Ombudsman.

Ito ay dahil maaari rin aniyang matalakay ang Mamasapano encounter sa plenaryo sa oras na pagdebatehan ang Bangsamoro Basic Law.

Magugunitang sa rekomendasyon ni Poe, pinasasampahan niya ng kaso ang MILF fighters, at si dating PNP chief Alan Purisima maging ang sinibak na SAF commander na si Getolio Napenas dahil sa pagkamatay ng 44 miyembro ng SAF.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *