Thursday , June 4 2026

P6-M shabu kompiskado sa drug ops vs mag-utol

ILOILO CITY – Nakakulong na sa Pavia Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo ang magkapatid makaraan maaresto sa anti-drug operation ng Iloilo Police Provincial Office Anti-illegal Drugs Special Operations Group kamakalawa.

Ayon kay Senior Insp. John Ryan Doceo, umaabot sa 1.2 kilos shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon ang kanilang nakompiska mula sa magkapatid na sina Dennis Paderog, 38, at Christopher, 23-anyos.

Ayon sa pulisya, ang naaresto na si Dennis Paderog ay kalalabas lamang ng New Bilibid Prison at kanilang na-monitor na nagbebenta ng ilegal na droga.

Nanlaban pa ang magkapatid sa mga pulis kaya’t napilitan ang mga awtoridad na barilin ang nakababatang si Christopher ngunit hindi tinamaan nang malubha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …