Sunday , May 5 2024

Trike driver tigok sa energy drink

112514 deadPATAY ang isang 23-anyos tricycle driver makaraan uminom ng energy drink bago sumabak sa paglalaro ng basketball kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Jerome Paraiso, ng Block 6, Tanigue St. kanto ng Labahita St., Dagat-Dagatan, Brgy. 14 ng nasabing lungsod, na-comatose sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ngunit namatay makaraan ang ilang oras.

Ayon sa ama ng biktima na si Guillermo, 43, dakong 4:30 p.m. nang mahilo at mawalan ng malay ang anak sa harap ng mga kalaro sa basketball sa loob ng Macario Asistio Elementary School Annex sa nasabing barangay.

Naghahanda ang biktima at mga kaibigan upang maglaro ng basketball nang maganap ang insidente.

Bago ito ay uminom muna ng energy drink ang biktima na madalas niyang gawin bago at makaraan mamasada.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

IBP Integrated Bar of the Philippines

 IBP to Hold the 20th National Convention of Lawyers Next Year

The Integrated Bar of the Philippines announced yesterday the holding of the 20th National Convention …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *