Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trucking Co. ng BUHAY party-list rep illegal (Lumabag sa building code at walang business permit)

irwin tiengSINABING lumabag sa Building Code 301 at walang kaukulang business permit ang trucking company ni Buhay Partylist Congressman Erwin Cheng na naging dahilan upang padalhan ng Notice to Comply ni Bgy. San Dionisio, Parañaque City, Brgy. Captain, Dr. Pablo R. Olivarez, ama ni Parañaque City Mayor, Edwin Olivarez.

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang padalhan ng notice to comply ng Brgy. San Dionisio ang Shacman Motors Corporation na matatagpuan sa Amvel City Business Park, Sucat Road, Brgy. San Dionisio, Parañaque City, na pag-aari umano ni Buhay Partylist Erwin Cheng, ayon sa mga guwardiyang nakatalaga.

Hanggang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagpapakita sa Barangay ang namamahala sa nasabing kompanya upang matiyak na inayos na ang proseso para sa building at business permits.

Sa liham na ipinadala ng Barangay San Dionisio, isinasaad na ang negosyo umano ni Cheng ay walang locational permit, lumabag sa renovation, excavation, structure demolition at wiring connection.

Wala rin umanong clearance o permit sa Barangay San Dioniso na ginagawa ng isang negosyante bago magsimula sa anomang negosyo.

Napag-alaman na ang Shacman Motors Corp., ay nasa lupa na pag-aari umano ni El Shaddai Leader, Mike Velarde.

Samantala, nabatid din sa isinagawang inspeksiyon, walang business permits ang napakaraming stalls na nagtitinda sa loob ng Amvel City Business Park.

Buwan ng Pebrero nang padalhan ng liham ng Bgy. San Dionisio si Sherry Yambao, Vice President  for Finance-Admin ang Extron Ordinary Property Mgt. Inc. sa Amvel City Business Park.

Sa naturang liham ay hinihiling ng barangay ang listahan ng bilang ng mga nakatayong stalls sa loob ng Amvel, nang sa gayon ay magampanan ng tanggapan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ang kanilang tungkulin na mangolekta ng revenues, na makadagdag sa real property at business tax ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Parañaque.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …