Friday , November 15 2024

Gabriela makitid – Palasyo

gabrielaBINUWELTAHAN ng Palasyo ang militant women’s group na Gabriela at tinawag na makitid ang adbokasiya at lahat ay ginagawa matuligsa lang ang administrasyong Aquino.

Sagot ito ni Presidetial Spokesman Edwin Lacierda sa pahayag ng Gabriela na hindi dapat ikompara ni Pangulong Benigno Aquino III ang bayaning si Gabriela Silang sa kanyang inang si dating Presidente Corazon Aquino.

 “Masyado namang restrictive ang Gabriela. Makahanap lang ng puntos para banatan ang ating administrasyon ay gagawin lahat. Pero, I think, masyadong myopic ang pagtingin ng Gabriela,” ani Lacierda.

Kamakailan ay inihalintulad ni Pangulong Aquino ang kanyang nanay kay Gabriela Silang na walang takot na ipinagpatuloy ang ipinaglalaban ng pinaslang na asawa para sa pagbabago ng lipunang Filipino.

“And we believe that President Cory Aquino has done so much for the country. She has led the fight against dictatorship after the assassination of Senator Ninoy Aquino. She has brought so much hope. She has brought a reformed government—one that is not acknowledged only by Filipinos, but also acknowledged by the international community,” dagdag pa niya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *