Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog

082714 police line crimeDOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, maraming saksak sa katawan, kapwa residente ng Block 2, Kadima St., Letre Road, Brgy. Tonsuya, Malabon City, at hindi pa nakarerekober ang pamilya makaraan masunugan kamakailan.

Habang naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa grupo ng mga kabataan na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat nina PO2 Jennalyn Manabat at PO2 Exequiel Sangco, dakong 10 p.m. nang maganap ang insidente sa C-4 Road, Brgy. Bagong Bayan North ng nasabing lungsod.

Tinatahak ng magpinsan ang nasabing lugar habang magkaangkas sa bisekleta nang harangin sila ng mga suspek at pinagtulungang bugbugin.

Nabatid na bago ang insidente, dalawang grupo ng kabataan ang nagkainitan sa nasabing lugar hanggang mapaghiwalay ng mga barangay tanod ngunit bumalik ang mga suspek at minalas na ang magpinsan ang napagkamalang mga kalaban.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …