Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Textmate ni misis inatado ni mister

090814 knifeNAGA CITY – Halos mabiyak ang ulo at maputol ang kamay ng isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang mister sa Sitio Salvacion, Brgy. Buensuceso, Gumaca, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ramon Hong III, 33-anyos.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, nalaman ng hindi na pinangalanang suspek na may lihim na relasyon si Hong at ang kanyang misis.

Kinompronta ng suspek ang kanyang misis makaraan mabasa sa cellphone ang mga text message na galing kay Hong.

Nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang lumabas ng bahay ang mister at sinugod ang biktima.

Paglabas ni Hong, agad siyang sinalubong ng sunod-sunod na taga ng suspek.

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang tinutugis ang salarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …