Thursday , June 4 2026

Buntis na baka ginahasa ng adik

FRONTARESTADO ang isang lalaki makaraan maaktohan ng mga barangay tanod habang hinahalay ang isang buntis na baka sa Brgy. Biga Dos, Silang, Cavite.

Nakakulong na si Andy Loyola, 46, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.

Kuwento ng may-ari ng baka na si Rustico Carlo, nitong Martes ng umaga, itinali niya ang kanyang alaga sa bukid at iniwan nang ilang oras ngunit nang balikan ay wala na ito.

Agad niyang ipinagbigay-alam sa barangay ang pagkawala ng alaga kaya hinanap nila ito at naaktohan ang suspek na hinahalay ang kanyang baka.

Nakompiska ang ilang piraso ng drug paraphernalia mula sa suspek na hinihinalang nasa ilalim ng impluwensya ng droga.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nanghalay ng hayop ang suspek.

Napag-alaman ding buntis ang hinalay na baka.

Iniimbestigahan na ang insidente habang posibleng isalang sa medical examination ang suspek at ang hinalay na baka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …