Monday , December 23 2024

Empleyado todas sa hit and run sa EDSA

112514 deadPATAY ang isang empleyado makaraan ma-hit and run ng isang van habang tumatawid sa kahabaan ng EDSA Avenue, Makati City kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si Gary Damayo, nasa hustong gulang, isang sales employee sa hindi binanggit na mall.

Base sa ulat ng Makati City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa south bound lane ng EDSA Avenue, Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Batay sa kasamahan ni Damayo na si Donald Esmedya, tinangka ng biktima na tumawid bagama’t pinagsabihan niyang delikado.

Lingid sa kaalaman ng biktima, parating ang isang humaharurot na van at siya ay nasagasaan.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *