Friday , June 5 2026
Bojie Dy

SPEAKER BOJIE DY NAKIISA SA DAR REGION II ARB SUMMIT
Tulong at ugnayan para sa mga magsasaka pinagtibay

ni GERALD BALDO

ILAGAN CITY, Isabela — Binigyang-diin ni House Speaker Bojie Dy ang matibay na pakikipagtulungan ng Kamara sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang patuloy na masuportahan ang mga magsasaka, sa kanyang pagdalo sa Agrarian Reform Beneficiaries’ (ARB) Summit 2026 ng DAR Region II na ginanap sa Lungsod ng Ilagan ngayong araw.

Kasama ni Speaker Dy sina DAR Secretary Conrado Estrella III, Isabela Governor Rodito Albano III, LPGMA Party-list Representative Allan Ty, Ilagan City Mayor Jay Diaz, at iba pang opisyal mula sa iba’t ibang bahagi ng Region II.

Sa kanyang mensahe, binigyang-linaw ng Speaker ang mahalagang papel ng Kamara bilang katuwang ng DAR sa pagpapatupad ng mga programang direktang tumutulong sa mga agrarian reform beneficiaries.

“Bilang katuwang ninyo, ang Kamara—ang kapulungan ng mga kinatawan ng buong bansang Filipinas —makaaasa kayo, Secretary, na kami ay narito at patuloy na makikipag-ugnayan para patuloy natin masuportahan ang inyong mga programa para matulungan at masuportahan ang ating mga magsasaka sa buong bansang Filipinas,” ani Speaker Dy.

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ng summit ang pamamahagi ng mga makinaryang pang-agrikultura at iba pang anyo ng suporta na naglalayong mapalakas ang produksiyon at kabuhayan ng mga magsasaka sa rehiyon.

Bago ang pormal na programa, binisita ni Speaker Dy ang mga booth na tampok ang iba’t ibang lokal na produkto mula sa mga probinsiya ng Region II. Nakiisa rin siya sa isang “boodle fight” kasama ang mga kawani ng DAR at mga lokal na opisyal.

Hindi nagpahuli si Speaker Bojie Dy nang makisabay sa trending na “Hawak Mo Ang Beat” dance craze bilang simpleng paraan umano ng pagpapakita ng pasasalamat sa pamunuan ng DAR, bagay na lalong ikinatuwa ng mga dumalo sa event. (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …