Sunday , December 22 2024
Willie Revillame

Willie wala pang plataporma sa pagtakbo bilang senador

HATAWAN
ni Ed de Leon

USAP-USAPAN ang statement ni Willie Revillame na wala pa siyang naiisip kung ano ang gagawin kung manalo nga siyang senador. Ang iniisip daw niya sa ngayon ay kung mananalo muna. Kung manalo siya at saka niya iisipin ang gagawin niya bilang senador. Ang sinabi lang niya, gusto niyang makatulong sa mga Filipino.

Bagama’t ang mga senador nga ay nakatutulong sa pabibigay ng ayuda sa mga mahihirap sa pamamagitan ng inilalabas nilang mga letter guarantee sa mga ospital, limitado rin ang kanilang pagbibigay ng ayuda. Hindi gaya ng mga mayor o governor na dahil sila ay local executives maaari nilang gawin ang gusto nila. Ang mga senador o congressman, ang dapat nilang gawin  ay gumawa ng mga batas na makatutulong sa bayan. 

Halimbawa, kailangan nilang uimisip ng batas na hindi na magagamit ng mga dayuhan ang karapatang dapat ay sa Filipino lamang dahil nakagagawa sila ng mga kasulatang fake.

Isipin ninyo iyong natuklasang gawaan ng fake na birth cerftificate sa Davao, na siya rin palang sentro ng Extra Judicial killings. Pero bakit nga ba sa Davao ginagawa iyon? Hindi mo naman masasabing kagagawan din iyon ni Quiboloy. Pero ano man ang dahilan o paraan, palagay namin kailangan na ngang linisin iyang Davao.

Dapat gumawa sila ng mas mahigpit na batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nakikipag-sabwatan sa mga dayuhang nagsasamantala sa ating bayan. Kailangan din ang mas mabigat pang batas laban sa mga walang habas na pagpatay, Hindi isang paglabag sa batas kagaya ng murder ang solusyon sa isa pang bawal na gawain, ang droga. Hindi solusyon ang mali sa isang pagkakamali. Ang mali ay dapat na ilagay sa tama, hindi sugpuin din sa maling paraan.

Mayroon naman tayong mga korte, bakit hindi hayaang ang korte ang humatol sa mga may sala?

Sa extra judicial killings, ang humuli ang nagharap ng bintang, siya pa ang judge at siya rin ang executioner. Talo pa ang Diyos na may tatlong persona lamang. Iyang mga nagsa-salvage apat na persona, sila ang complainant at arresting officer, sila rin ang prosecutor, tapos sila pa ang judge, at sa katapusan sila pa ang executioner, eh ‘di apat na persona nga.

Iyang mga ganyang batas ang dapat na maisipang gawin ng mga mahahalal na senador kaya hindi dapat iboto iyong “makikipaglaban ng patayan para sa mga gumagawa ng EJK.”

Sa anim na SONA ni Presidente Duterte, nagpapalakpakan sila kung nababanggit ang drug war. Standing ovation pa sila. Bakit ngayon nag-iisa na lang siya?” tanong ni Bong Go.

Eh kung hindi sila pumalakpak noon, gusto ba nilang makasama sila sa narco lists?

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …