Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal Oil

Namamahay at nagliligalig na toddler son ng OFW pinayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Greetings po mula sa mga overseas Filipino workers (OFW) from Dubai.

         Ako po si Ken Bautista, kasalukuyan pong nagbabakasyon sa ating bansa, kasama ang aking mag-ina.

         Kami po ay naninirahan dito sa isang bayan ng Bulacan, na hindi naman kalayuan sa Maynila.

         Nais ko pong i-share ang karanasan namin sa nangyari sa aking anak. Namamahay po kasi ang toddler son ko. Umiiyak at nagliligalig tuwing hapon hanggang gabi. Hindi makatulog, biling baliktad.

         Ang sabi ng nanay ko, mag-insenso daw kami sa paligid ng bahay, ginawa namin, medyo napayapa naman si baby pero may oras na biling baliktad pa rin siya.

         Kaya ang sumunod na remedyo ni Mama, maghaplos ng Krystall Herbal Oil, baka raw kinakabag. Sabi niya ihaplos ang Krystall Herbal Oil sa tiyan ni baby, sa talampakan, at sa likod. Huwag daw tigilan ang paghaplos  sa loob ng 15 minuto.

         Ganoon ulit ang ginawa namin ni misis. Tuwang-tuwa po kami ni misis kasi nakatulog si baby nang mahimbing. Kinabukasan na bandang 8:00 am nagising.

         Kaya nga sabi ko kay Mama, magbabaon kami ng Krystall Herbal Oil pagbalik naming sa Dubai. Natuklasan din naming marami palang benepisyo ang paggamit nito gaya ng paghaplos sa mga binti, sa bewang lalo na kung ang trabaho ay nakatayo sa maghapon. Sa sakit ng ulo at kahit mga kagat ng insekto.

         Talaga pong pinabilib ako ng Krystall Sis Fely. Maraming salamat po sa napakahusay ninyong imbensiyon.

         God bless po.

KEN BAUTISTA

Sta. Maria, Bulacan

P A A L A L A

SIMULA January 1, 2024 ang presyo ng Krystall herbal products ay babalik na po sa regular price at ang makapag-a-avail ng twenty percent (20%) discount ay mga Senior Citizens (SC) at Persons With Disability (PWD) po.

Maraming salamat.

FGO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …