Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
LABIS na natuwa ang mga Kabitenyo sa panukalang inihain ni Senator Bong Revilla na gawing 56 years old ang dating 60 years old para tawaging senior citizens.
Sa katuwirang sa hirap ng buhay at sa rami ng mga namamatay nang hindi umaabot sa 60 years old, malaking diskuwento umano ang makakamit ng mga maiiwang pamilya.
Anang Senador, makikinabang nang mas maaga sa mga umiiral na benepisyo para sa senior citizens ipinagkakaloob ng ating gobyerno.
Unang natuwa sa panukalang ito ni Revilla ang mga Kabitenyo na isa sa maraming namatayan noong pandemya na halos hindi umabot ng 60-anyos ang mga biktima.
MGA KONTRATISTANG TAXI DRIVER
NAGLIPANA na naman ang mga kontratistang taxi driver sa kalye, partikular sa mga mall kung saan marami ngayon ang namimili dahil nakatanggap ng kanilang mga bonus at 13th month pay.
Partikular na tinutukoy ay sa Mall of Asia, saan mang sulok ng kalsada ng paligid sa MOA ay naroroon ang mga kontratistang taxi driver.
Dapat kumilos ang ating gobyerno laban sa mga suwapang na driver at aksiyonan ang ganitong kalakaran. Dapat ireport ang mga taxi driver, pero saan magsusumbong?
Aaksiyonan naman kaya? Matagal nang problema ito ng commuters pero walang aksiyon ang gobyerno.
Dapat handa sila sa tuwing malapit ang Kapaskuhan, paulit-ulit na lang ang ganitong problema pero walang aksiyon ang gobyerno.
Dami ng nabibiktima, kailan kikilos?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com