Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darryl mas darling si Osang kaysa kay Sharon

USO pa rin pala ang batian ng Happy Easter! sa social media, na ang Filipino/Tagalog ay Pasko ng Muling Pagkabuhay bagama’t wala pa kaming natutulikap sa Facebook o sa Instagram na pagbating “Maligayang Muling Pagkabuhay!” ‘Yan na nga ang bati namin sa inyo!

Kung kailangan sa Pinoy Showbiz ng simbolo ng “Pasko ng Muling Pagkabuhay, “ ang mga ino-nominate namin ay sina Rosanna Roces at Alice Dixson.

Buhay na buhay ang acting career ni Osang ngayon kahit na parang wala naman siyang ginagawa para mabawasan ang timbang n’ya.

Akala namin ay si Sharon Cuneta na ang bagong darling sa showbiz ni Darryl Yap dahil pumayag ang nagbabalik-Viva na megastar na idirehe n’ya sa pelikulang may mahiwagang titulo na Revirginized.

Si Osang pala ang darling actress ni Darryl ngayon. May pangatlong pelikula na si Osang kay Darryl (na ang kontrobersiyal na Tililing ay naipalabas ilang linggo bago mag-Kwaresma).

Ang una nila ay ang Paglaki ko, Gusto ko Maging Pornstar. Ang pangalawang nai-announce ay ang Revirginized, pero may lihim pala silang natapos na pelikula bago nila gawin ang mahiwagang  Revirginized nina Sharon, Marco Gumabao, at Albert Martinez. ‘Yon ay ang Kung Pwede Lang (The Rant Series) na ipalalabas na online sa VivaMax simula sa April 9.

Wala sa mga natulikap naming press release tungkol sa pelikula kung ano ang karakter ni Osang sa istorya. Pero base ang pelikula sa online comedy series na Vincentiments na nag-viral umano with over 320 million views as of last week.

Nasa cast din nito sina Dennis Padilla, Dexter Doria, Bob Jbeili, Loren Mariñas, at Carlyn Ocampo.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …