Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie sinusuyo nina Duterte at Pacquiao

AYON sa column ni Ricky Lo na Funfare sa Philippine Star, tinawagan ni President Rodrigo Duterte si Willie Revillame noong ka-dinner nito sina Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea sa isang restoran sa Greenhills.

Sabi raw ni Pres. Digong kay Willie: ”Willie, mahal kita. Pinapanood kita. Maraming salamat sa ginagawa mo sa ating mga kababayan. Magkasama tayo sa pagtulong. Kasama tayo sa grupo. Kasama ka namin sa grupo.”

Sa pagkakasulat ni Ricky, mahihinuhang si Senator Go ang source of information n’ya. Sa susunod na sentence kasi ni Ricky sa kolum n’ya, si Senator Go na ang kino-quote n’ya.

Sinabi umano ng senador sa TV host na, ”Natutuwa siya (Pres. Duterte) sa ’yo” kaya ipina-set ng presidente ang dinner purposely to thank Willie and to tell him “to keep his options open.”

Walang binanggit si Ricky kung may in-offer na posisyon sa ticket ni Pres. Duterte sa election next year. Binanggit lang ni Ricky na noong huling nakausap n’ya si Willie, mariing ipinahayag nito sa kanya na wala siyang balak pasukin ang politika at masaya na siyang tumutulong sa mga kababayan n’ya bilang private citizen at game show TV host.

Noon pa naman ginagawa ni Willie ang pagtulong at parang wala naman sa pakiramdam n’yang biglang kailangan n’yang pumasok sa politika o magkaroon ng puwesto sa gobyerno para ipagpatuloy ang pagtulong sa madla.

Pero nagparamdam si Ricky ng pagdududa sa pahayag na ‘yon ni Willie sa isang bahagi ng kolum n’ya. Aniya: ”Willie has been inviting as special guests political bigwigs such as Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. (who even previouly used part of Willie’s WilTower as venue for press briefings), Cabinet Sec. Karlo Nograles and Sen. Manny Pacquiao (who donated an additional amount to cash prizes Willie is giving away to his viewers every day). Are these tell-tale signs of Willie’s ‘feelers’ about a political ‘possibility’”?

Ano nga bang agenda ni Willie sa paggi-guest ng mga politiko? O ang mga politiko ba ang nagsi-send ng feelers kay Willie na i-guest sila sa show n’ya at nahihiya siyang tumanggi?

At posibleng sa paggi-guest ng isang politiko na nagbabalak magpa-re-elect o kumandidato sa bagong posisyon, may lihim silang alok kay Willie na posisyon sa partido nila. Baka nga mas sure winner pa, mas “winnable,” ‘ika nga, si Willie kaysa kanila.

Sino pa kaya ang bumubuwelo para “suyuin” si Willie na sumama sa partido nila?

At sino-sino pa kayang showbiz idols ang “liligawan” ng mga politiko para sumama sa partido nila?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Chanty Marian Rivera

Chanty kumasa kay Marian, nagpagiling-giling at ‘di nagpahuli sa pagkembot 

I-FLEXni Jun Nardo KUMASA ang baguhang si Chanty kay Marian Rivera para sayawin ang Marimar dance icon na nagpasikat sa GMA …

Joseph Bitangcol Sandara Park Park Bom

Joseph ipinagtanggol si Sandara: 100% na hindi niya gagawin ‘yon

MA at PAni Rommel Placente Walang pagdadalawang-isip na ipinagtanggol ni Joseph Bitangcol ang ex- girlfriend na si Sandara …

Nicole Sonora Sheryl Cruz Boy Abunda Rams David

Anak ni Sheryl na si Nicole papasukin na rin pag-aartista 

MA at PAni Rommel Placente DAHIL artista ang kanyang inang si Sheryl Cruz at mula sila sa …