Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, sure na pakakasalan si Ellen

ABA, mukhang handa na si Derek Ramsay na pakasalan si Ellen Adarna.

Sa isang lumaganap na interbyu kay Derek ng online magazine na Mega, tinanong ang aktor kung nakikita n’ya ang sarili na pinapakasalan si Ellen.

Walang kagatol-gatol na sagot ni Derek: ”My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it.

“Everything in my heart is telling me that, she’s the one… I did not even listen to [my mind] anymore. You know, this (his head) was controlling this (his heart) so many times before. This is to say, screw the brain! Don’t listen to it! Don’t even let it guide you, okay?”

Pahabol na Valentine story whirlwind romance ng dalawa, ‘di ba?

Sa nasabing interbyu, inamin ni Derek na isang “blind date” ang unang pagkikita nila sa isang restoran noong Enero. ‘Di n’ya binanggit kung sino ang nagpakana ng blind date na ‘yon.

‘Di rin n’ya nilinaw kung pareho sila ni Ellen na ‘di alam na sila pala ang magkikita.

Nagkataon namang nasa restoran din na ‘yon si Ruffa Gutierrez. Bago lumapit si Ruffa na alam na ni Derek sa sarili n’ya na gusto n’ya si Ellen dahil napaka-”fun”nitong kausap.

Lihim na nagalak pang lalo si Derek nang sabihin sa kanya ni Ruffa na  neighbors silang tatlo sa Ayala Village sa Alabang. Naisip n’ya agad na imbitahan sina Ellen at Ruffa at ilan pang kaibigan para mag-dinner sa bahay n’ya.

Si Ruffa ang unang naglabas sa Instagram ng litrato nina Derek at Ellen na nagtititigan na parang silang dalawa lang ang tao sa bahay na ‘yon.

Paggunita ni Derek sa gabing ‘yon sa piling ni Ellen sa mismong bahay nya: ”We had a wonderful evening. And that’s when I said, ‘Oh no! Meron akong nararamdaman! Patay!’ I tried to put it out. I tried to put it out. But she’s just so fun to be around. And it was just fun. Every day, it’s just even more fun. There’s no boring, dull moment.”

At mula noon ay parang ‘di na mabilang ang mga araw at gabing niyaya ni Derek si Ellen sa bahay n’ya at sa out-of-town trips, pati na noon mismong Valentine’s Day. Parang lagi naman siyang pinauunlakan ni Ellen.

Kakilala na rin si Derek ni Elias Modesto, ang two-year-old na anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz. Tito ang tawag ng paslit kay Derek.

Wala pang pahayag si Ellen tungkol sa matinding pagmamahal ni Derek sa kanya pero obvious naman na ang maganda at maalindog na Cebuana ay in love na in love rin sa Fil-British actor.

Samantala, naglabas naman ang administrator ng Instagram ni John Lloyd ng bagong litrato ng aktor na may simpleng caption na: Choose to be happy!*

Ngiting-ngiti si John Lloyd sa litrato na bagong gupit na halos kalbo. Wala siyang bigote at balbas. Malinis na malinis, makinis na makinis ang mukha n’ya. (Danny Vibas)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …