Thursday , December 19 2024

John Lapus, ipinagtapat kung paano nalampasan ang pagkakaroon ng autophobia

KUNG mag-isa lang talaga  kayong namumuhay, at ni isang kasambahay, ay wala kayong kasama, huwag n’yong ilihim sa malalapit n’yong kaigan na ‘di na kayo nakatutulog dahil sa takot at sa kalungkutan. Most likely ay may magagawa sila sa panahong ito para maibsan ang takot at kalungkutan n’yo.

‘Yan ang payo ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus na umamin kamakailan na mayroon siyang “autophobia”–ang takot na laging nag-iisa sa buhay.

Noong first three week ng ECQ (enhanced community quarantine), halos ‘di na ako nakatutulog. Nagpa-panic attack na ako,” pagtatapat ni Sweet noong virtual media conference para sa mini-series na Paano Ang Pasko? ng TV 5, na may major role siya bilang si “Manang Kitty.”

Umaayos lang ang araw n’ya kapag may nakakausap siyang kaibigan sa cellphone o sa pamamagitan ng Internet. Noong pwede nang lumabas at pumunta sa bahay ng ibang tao, isang gabi  ay nagyaya siya ng ilang kaibigan para mag-card games at mag-drinking-drinking.

Sinunod naman nila ang utos na ‘di dapat lumagpas sa sampu silang lahat at dapat ay may social distancing sila sa isa’t isa.

Sa get-together na ‘yon ay na-realize ng mga kaibigan n’ya kung gaano katindi ang autophobia ni Sweet. Sila mismo ang nagpasya na mag-set up ng 24-hour Zoom meeting na iba’t iba ang magho-host para laging may makakausap sa video si Sweet at virtually ay lagi na rin siyang may kasama.

Tuwang-tuwa si Sweet sa ipinasya ng mga kaibigan n’ya. Pansamantalang natigil ang kanilang round-clock Zoom meeting kay Sweet noong nag-lock-in taping na ito for several weeks para sa Paano Ang Pasko?

Kaya nga ang payo n’ya sa mga problematic sa pag-iisa nila ay huwag mahiyang ipagtapat ‘yon sa malalapit na kaibigan para matulungan silang bigyan ng solusyon ang kalagayan nila. Malamang na bukod sa round-the-clock Zoom meeting, may iba pang solusyon o pampagaan ng kalooban ng mga may autophobia.

Diskurso ng napaka-articulate comedian-writer-director: “Anxiety/depression should be admitted and talked about. It’s part of the healing process. How will your loved ones know how to help you if you will not tell them? By doing so, people will also be made aware that this can happen to anyone.”

Sa Paano ang Pasko? na ipinalalabas na sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m., masaya si Sweet sa papel n’yang Manang Kitty. Family governess siya na nakaaalam ng mga sikreto ng bawat miyembro ng pamilya na pinagtatrabahuhan n’ya.

Lahad n’ya tungkol sa character n’ya: “Manang Kitty is an important character because, after all the crying, she will make you laugh so hard. She will prepare you for another episode of crying the following day.” 

Ang Paano ang Pasko? ay konsepto ng award-winning writer-filmmaker, Jun Robles Lana. It is a collaboration among directors Eric Quizon, Ricky Davao and Perci Intalan.

The series revolves around the family’s holiday gathering, and how old wounds and struggles threaten to dampen the supposed joyous occasion. Serving as the family’s center is Faith (Maricel Laxa-Pangilinan), the loving mother to three daughters, Love (Julia Clarete), Hope (Beauty Gonzalez) and Joy (Devon Seron).

Nasa cast din nito sina Allan Paule, Ejay Falcon, Matt Evans, at Danita Paner. Produksiyon ito ng  The IdeaFirst Company para sa Cignal Entertainment.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *