Friday , August 8 2025
dead baby

Sanggol, ina hindi dapat magutom

INIHAYAG ni Sen. Grace Poe na dapat paigtingin ng pamahalaan ang pagkilos upang matiyak na walang sanggol at ina na makikipagbuno sa gutom sa gitna ng krisis sa kalusugan dulot ng CoVid-19.

 

“Kinakailangan magkaroon ng tuloy-tuloy na inisyatiba sa nutrisyon upang mapigilang maging legasiya ng pandemyang CoVid-19 ang gutom at malnutrisyon sa mga sanggol at ina,” ayon kay Poe, habang iginigiit na patuloy na pondohan ang Republic Act 11148 o ang  Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, na kanyang inakda.

 

Nakatakda sa batas na dapat may sapat na pondo sa pagtugon sa malnutrisyon sa mga buntis at bagong panganak sa loob ng kanilang unang 1,000 araw.

 

Ayon sa senador, dapat magkaroon ng pinalakas na pagkilos sa implementasyon ng batas.

 

“Dapat nating ingatan ang unang 1,000 araw ng mga sanggol. Garantiyahan natin ang kalidad na maagang pag-aalaga sa kanila bilang kanilang pangunahing karapatan,” ayon kay Poe. (CYNTHIA  MARTIN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board …

National Electrification Administration NEA

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente …

Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa …

Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa …

Arrest Posas Handcuff

Binatilyo nanuntok, nanaksak ng estudyante, nasakote

DINAKIP ang 16-anyos binatilyo na sinabing nanuntok at nanaksak sa isang estudyante na galing sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *