Wednesday , December 18 2024
Liza Soberano karaoke 2

Liza Soberano, iuurong ang demanda sa empleado ng internet provider kung magpa-public apology

HINDI naman pala kumukulo ang dugo ni Liza Soberano kahit na nagsampa na siya ng demanda laban sa isang babae na nag-post sa social media ng “sarap ipa-rape” ang girlfriend ni Enrique Gil.

 

Nainis lang siya sa babaeng ‘yon pero wala siyang masamang hangarin para sa kanya–na gaya ng mistulang hangarin nito na ma-rape sana ang actress.

 

Ipinahayag ni Liza sa isang interbyu sa kanya ni Karen Davila sa ANC News cable channel ng Kapamilya Network na handa siyang iurong ang demanda kung maglalabas ang babaeng iyon ng isang apology na naka-address directly sa kanya (kay Liza).

 

Nag-isyu na noong September 21 sa Facebook n’ya si Melissa Olaes, ang empleado ng Converge Internet provider ng apology, pero para ‘yon sa pamilya at sa angkan n’ya at sa iba pang mga tao na aniya ay naapektuhan negatively sa post n’yang iyon. May mga anak siya, pagtatapat pa n’ya sa apology n’ya.

 

Iginiit pa n’ya sa “apology” n’ya na iyon na siya man ay apektado ng negatively sa pagkalat sa madla sa comment n’yang ‘yon. Napakarami rin daw lumait sa kanya bilang reaksiyon sa lumabas na comment niya.

 

Nilinaw din n’ya sa “apology” na ‘yon na hindi naman n’ya sa madla ipinahayag  ang comment na ‘yon kundi sa isang ka-Facebook n’ya in private. Hindi nga n’ya maintindihan kung paano kumalat ‘yon sa Facebook, pati na sa Twitter.

 

Nabasa naman ni Liza ang “apology” na ‘yon, at ‘di naman n’ya binabalewala. Handa siyang iurong ang demanda laban kay Melissa kung maglalabas ito ng apology na naka-address sa kanya o deretsahang binabanggit ang pangalan n’ya bilang ang taong hinihingan n’ya ng tawad.

 

Habang isinusulat namin ito ay wala pa kaming namo-monitor na personal apology ni Melissa kay Liza.

 

Parang ‘di naman mahirap gawin ang hiling ni Liza, na isang babaeng wala namang reputasyong mataray at makitid ang utak.

 

Bukod sa tahasang paghingi ng tawad kay Liza, dapat ding imbestigahan  ng empleadong ‘yon ng Converge kung sino ang nagkalat ng comment n’yang ‘yon na sa isang “private communication” lang sa isang social media.

 

Samantala, wala pa rin kaming na-monitor hanggang ngayon kung anong “disciplinary measure” ang ipinataw ng Converge kay Melissa na bale naglagay ng dagdag na kahihiyan sa kompanya na iniangal ni Liza sa madla na mabagal ang Internet service na ipinararating sa kanya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *