Tuesday , July 29 2025

Nora, mapapanood muli sa CCP

Binibining Mandirigma. ‘Yan ang titulo ng isang short film na ipinaplano ng Tanghalang Pilipino (TP) na gawin ni Nora Aunor malamang bago matapos ang 2020 o sa unang buwan ng 2021.

Ang Binibining Mandirigma ay tungkol kay Henerala Salud, isang dokumentadong beauty queen na naging rebelde. Salud Algabre ang tunay n’yang pangalan.

Nakatakdang gawin ni Ate Guy ang short film ayon sa ulat ni Rito P. Asilo sa Daily Inquirer. Nakuha ni Asilo ang balita mula sa superstar mismo at ilang oras pagkatapos ay sa Facebook page ni Fernando “Nanding” Josef ng TP, ang resident theater company ng CCP.

Ayon kay Asilo, ibinalita ni Tata Nanding (Josef) na: “Tanghalang Pilipino (TP) will produce, initially, a short film on the 67-year-old Salud Algabre, in time for the March 2021 celebration of National Women’s Month. 

 

“Hopefully, TP, with a partner producer, will eventually produce the full-length film on this hardly known, fearless Filipina freedom fighter.”

Sa ulat pa rin ni Asilo, inilahad n’yang si Salud Algabre ay buhat sa isang mayamang angkan sa Cabuyao, Laguna na noong 1935 ay pinamunuan ang binansagang Sakdalista Uprising laban sa mga mananakop na Amerikano.

Dagdag niya: “We learned… in a 2000 essay written by John Witeck for the University of Hawaii that while Salud’s husband led the team that captured the Cabuyao municipal building, Salud was tasked to lead another group to ‘block the road to the town by felling trees across it.’ 

“That particular rebellion was eventually foiled by the Americans, but the Henerala nonetheless described it as ‘the high point of our lives’ .”

Ano naman ang mga pahayag ni Ate Guy tungkol sa proyekto?

Lahad kay Asilo ng superstar: “Sobrang nerbiyos ko —at sobrang excited po ako na matuloy ito. Sa palagay ko po, napapanahon ang ‘Henerala Salud’ kasi kailangan po natin, lalo na ang mga kababaihan, na magbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan—lalo na para sa mga kabataan.

 

“Kailangang kilalanin at tularan nila ang ating mga bayani na malalim ang pagmamahal sa bayan, lalo na po sa mga mahihirap.

“Isa pa po, matagal ko na pong pinangarap na magkaroon at makagawa ng ganitong klaseng proyekto. Noong medyo bata-bata pa po ako, may nag-alok po sa akin na gawin ko ang talambuhay ni Gabriela Silang, pero hindi ito natuloy.” 

Noong Mayo, gumanap si Ate Guy na Lola Doc na isang monolog na ang nagprodyus din ay ang TP ng CCP. Magiging pangalawang proyekto na ni Ate Guy sa CCP ang Henerala Salud.

Oo nga po pala, ang kasalukuyang CCP president na si Nick Lizaso ay matagal ding naging direktor sa pelikula at sa television, bagama’t sa entablado siya nagsimulang maging direktor.

Siya rin ang kasalukuyang chairman ng government agency na National Commission on Culture and the Arts.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Rhea Tan Piolo Pascual Rotary Club Balibago Beautéderm

Beautéderm family sa pangunguna ni Piolo, full support kay Ms. Rhea Tan bilang presidente ng Rotary Club ng Balibago

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGARBO at star-studded ang 16th Induction and Turn-over Ceremonies para sa Beautéderm CEO and founder na si Rhea …

Ces Quesada Martin del Rosario

Ces Quesada ibinuking lovelife ng pamangking si Martin

RATED Rni Rommel Gonzales PAMANGKIN ng beteranang aktres na si Ces Quesada ang Kapuso hunk actor na …

Yen Santos

Yen sa bf na manipulative at controlling: blessing na nagising sa nightmare  

MA at PAni Rommel Placente TINANONG si Yen Santos sa kanyang kauna-unahang YouTube vlog tungkol sa   huling naging pakikipagrelasyon. Napahinto …

Jake Cuenca Maris Racal

Jake kinompitensiya si Maris, tumakbong naka-brief

MA at PAni Rommel Placente VIRAL ang eksena ni Jake Cuenca sa FPJ’s Batang Quiapo, na pinagbibidahan ni Coco …

Judy Ann Santos tinapay bread

Judy Ann natawa at naiyak sa nilutong tinapay

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa at maiyak ni Judy Ann Santos sa nilutong tinapay na focaccia …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *