Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

‘Super bisang’ Krystall Herbal Oil walang sablay hanggang Hong Kong

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Edeth Martin, 50 years old, taga-Parañaque City. Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa Krystall Herbal Oil. Silent user po ako at ang buong  pamilya namin ng Krystall Herbal Oil.

Proven po ang Krystall Herball Oil kasi ‘pag may masakit na tiyan hinahaplosan lang ng Krystall Herbal Oil gumagaling po kaagad. Kaya ang dami naming binibiling Krystall Herbal Oil.

Ang galing niya pong magpatuyo ng sugat kasi ‘yung pamangkin kong isang taon pa lang, nawalan siya ng balanse sa paglalakad natumba po siya at nagasgas po ang ilong niya.

Ang ginawa po namin, pinahiran lang namin ng Krystall Herbal Oil ang nagasgas niyang ilong. Ang bilis pong natuyo ang sugat.

Saka may iba pa po akong gustong i-share. May kaibigan po akong nasa Hong Kong nagtatrabaho. Nauntog ang ulo ng amo niya. Ngayon sinabihan niya na lagyan ng Krystall Herbal Oil, mabuti po at nagpalagay. Pagkatapos nang ilang araw gumaling na raw ang ulo ng amo niya.

At hindi na rin nagpunta sa doctor. At ‘yong pinsan kong 30 years old sumakit po ang ngipin niya kasi may parteng nasisira raw. Ang ginawa niya kumuha lang po siya ng bulak at nilagyan niya ng Krystall Herbal Oil. At tinapal niya ang bulak sa masakit niyang ngipin. Siguro po umuuga-uga na ang ngipin niya, pagtangal niya sa bulak dumikit po ang sirang ngipin sa bulak. Hindi na rin siya nagpunta sa dentist para magpabunot dahil nabunot po nang kusa dahil sa Krystall Herbal Oil.

        Salamat po!

 

EDETH MARTIN

Parañaque City

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …