Thursday , June 4 2026

Face-to-face classes ng DepEd tinutulan ni Senator Bong Go

IGINIIT ni Senator Christopher “Bong” Go na hindi dapat payagan ng Department of Education ang face-to-face classes  sa pagsisimula ng school year sa 24 Agosto hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.

 

Sinabi ni Go, totoong mahalagang makapag-aral ang mga bata pero may mga paraan para hindi sila ma-expose sa sakit.

 

Kaugnay nito, muling hinikayat ni Go ang DepEd na gumamit ng ibang paraan ng learning para matiyak na masusunod ang  physical distancing at health and safety protocols.

 

Ayon kay Go, hindi dapat ma-pressue ang mga bata na pumasok sa eskuwelahan kahit may banta sa kanilang kalusugan.

 

Hinimok ni Go ang DepEd na gabayan ang mga bata sa bagong mode of learning na maraming estudyante ang walang  laptop at internet access para masiguro na maging pantay ang oportunidad sa kanilang hanay.

 

Una nang pinuri ni Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act No. 11480  na nag-aamyenda sa Section 3 ng RA No. 7797 o mas kilalang An Act of Lengthen the School Calendar mula sa 200 days  pero hindi lalampas sa 220 class days. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …