Thursday , June 4 2026

Sarah kinahabagan, mga kasuotan ‘di raw glamorosa?

HOY, Matteo Guidicelli, bilhan mo na ng mga bagong glamorosang damit ang misis mo!

Kahit hindi nagpapabili ng damit sa iyo si Sarah (Geronimo), magkusa ka na, bilhan mo na.

Ibina-blind item na kasi siya dahil sa mga damit nyang “sobrang simple.”

Nakakaawa na raw ang itsura ng mga damit ni Mrs. Matteo Guidecelli tuwing humaharap sa kamera ngayon.

Eh bakit naman namin naisip agad na si Sarah ‘yung ibina-blind item?

Ganito kasi ang mga sabi sa blind item na ‘yon sa isang entertainment website ilang araw lang ang nakararaan: “Kaya pala wala siyang mahusay-husay na damit ay dahil hindi pa ipinadadala sa bago niyang tirahan ang mga damit at gamit niya mula sa dating tinitirhan. Hayyy, mukhang paninikis ito sa kanya.

“Naiisip ko nga, mukhang kasya sa nanay niya ang mga damit nito. Hindi kaya isa sa mga araw na ito ay suot-suot na ng nanay niya ang mga nakatagong damit nitong singer-actress?”

Heto pa ang pahiging na si Sarah nga iyon: “Pero, di ba, nakita pa natin sa social media na namili siya ng gamit para sa bahay? Sana isinabay na rin ng asawa niya ang pamimili ng ilang damit para sa kanya.”

Sino ba ang parang biglang nagpakasal na inilihim sa pamilya ny’a? (Of course, ‘di naman talaga biglaan ang kasal nina Sarah at Matteo. Matagal na nilang lihim na pinaplanong magpakasal pero tutol ang ina ni Sarah na magpakasal na sila.

At sino rin ba ang mag-asawa na ang daming Instagram pics mula sa iba’t ibang netizens habang namimili ng mga kasangkapan para sa bago nilang tirahan?

Reasonable naman na mag-expect ang madla na kayang-kaya siyang bilhan ni Matteo ng mga bagong impresibong damit dahil hindi naman pobreng lalaki ang actor-businessman na Pinoy-Italian. (At lalong hindi naman purita ang singer-aktres. Mas mayaman pa nga ito sa napangasawa—ED)

Happily, hindi naman panlalait kay Sarah ang blind item na ‘yon. Hindi rin masasabing panlalait ‘yon kay Matteo. Posible naman kasi na si Sarah ang ayaw na pagkagastusan pa nilang mag-asawa ang mga bagong mamahaling damit sa panahong biglang bumaba ang kita ng lahat dahil sa biglang pagdagsa ng walang-takot na virus na nauwi sa community quarantine.

Nahahabag lang ang mga nagsulat ng blind item na ‘yon na ‘di glamorosa si Sarah sa tuwing napapanood nila siya sa online home performances n’ya

Pero sakaling magkatotoo ang suspetsa ng ilang netizens na parang lumalaki ang tiyan ni Sarah, mukhang ang kailangang bilhin na ni Matteo para sa misis n’ya ay maternity outfits.

Tumitindi ang expectation ng madla na magdalantao na rin si Sarah dahil sa confirmed nang balita na buntis na si Coleen Garcia kaya’t magkakaanak na ito sa mister n’yang si Billy Crawford. 

Dahil ilang buwan na ring magkasambahay sina Matteo at Sarah na pareho namang malusog, madaling isiping isang araw ay magdadalantao si Sarah.

Siguro naman ay hindi magiging sagabal sa pagkaroon nila ng supling ang nadiskubre ng madla na takot pala sa daga si Matteo pero si Sarah ay hindi. Baka nagawan na nila ng paraan na mawala ang mga daga sa unit condominium na tinitirahan nila.

 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …