Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-inang Sharon at KC, nagka-ayos na (KC, halatang malungkot)

MABUTI naman na sa panahon ng enhanced community quarantine, mukhang nagbati na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

At masasabing sa butihing ina nagsimula ang pagbabati nila. Isang araw kamakailan ay biglang nag-post sa Instagram n’ya ang megastar tungkol sa pagkakaroon ni KC ng You Tube channel. Ni hindi binanggit ni Sharon ang pangalan ng anak n’ya sa nasabing post. Aniya lang ay: ” Baby#1 has a new YouTube channel. Hope you can all support her.”

Nakarating kay KC ang post ng mama n’ya. Kahit naman pala may iringan silang mag-ina, ‘di nila ina-unfriend ang isa’t isa.

At, siyempre pa, alam naman ni KC na siya ang “Baby#1” ng kanyang ina bilang panganay nitong anak. Alam din n’yang siya lang sa mga anak ng nanay n’ya ang may You Tube channel (na ang pangalan ay “The KC Diaries”).

Nag-reply si KC sa mismong post ng nanay n’ya. Ang simpleng sagot n’ya ay: “Thank you, Mama.”

Nag-react naman si Sharon in a very touching way. Aniya: ”

You are welcome. I love you no matter what. That will never change.”

Makawasak-dibdib na reply naman ng anak: “I love you too, Mama, no matter what.”

At ang ibig sabihin nga ng lahat ng iyan ay bukas na uli ang mga puso nila sa isa’t isa, at iwinaksi na nila ang iringan na nagsimula noong magba-Bagong Taon, 2020, nang ‘di dumalo si KC sa media noche ng pamilya.

Sinundan pa ‘yon ng ‘di rin n’ya pagpapakita sa birthday celebration ng kanyang ina sa ASAP Ko ‘To ng ABS-CBN.

Parang mas lumala pa hidwaan nila noong mag-post si KC ng tungkol sa pakikipagkita n’ya sa kanyang ama na si Gabby Concepcion.

KC, halatang malungkot

Ngayong parang handa nang mag-usap o magkita ang mag-ina, pwede sigurong lumipat muna si KC sa kung saan man nakatira sina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan at ang dalawa nilang anak na si Miel at ang adopted son nila (nasa US ang panganay nilang si Frankie na roon nag-aaral ng college).  Matagal nang namumuhay mag-isa si KC, at malamang ay sa isang sosyal na condominium sa kung saan nakatira. Roon siya inabot ng pagsisimula ng community quarantine.

At noong nagsimula ang community quarantine, nagsimula rin siyang mag-post sa Instagram n’ya ng mga saloobin tungkol sa pamumuhay mag-isa sa panahong ‘di pwedeng lumabas ng bahay at mag-enjoy sa kung saan-saan. Sa tono ng mga post n’ya, halatang malungkot ang panganay ng megastar.

Suwerte ngayon ng mga may pribadong sasakyan, dahil pwede silang makabiyahe sa loob man lang ng syudad nila. Pwedeng ipasundo si KC ng stepfather n’yang si Sen. Kiko—kung gusto n’yang pumisan muna sa pamilya n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …