Friday , May 3 2024

2 CoViD-19 patients nadagdag sa Maynila

NADAGDAGAN ng dalawa ang bilang ng kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Batay ito sa ulat ng Department of Health (DOH).

Kabilang sa nadag­dag sa kaso ang isang 23-anyos na babaeng resi­dente ng Sta. Ana.

Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills, San Juan City.

Ang ikalawa ay isang 64-anyos babae mula sa Sta. Cruz na walang travel history.

Ang nasabing babae ay walang travel history sa ibang bansa at kasa­lukuyan siyang nasa isang ospital sa labas ng Maynila.

Una rito ay nag­po­sitibo sa COVID-19 ang isang pasyente mula Sampaloc, Maynila.

Kahapon, idineklara ang state of calamity sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 12 ang namatay sa COVID 19 at umabot na sa 140 ang nahawa.

Sa mga gumaling ay may dalawang positibo na kabilang sa 140.

Ang isang babae na nagpositibo ay noong Enero 2020 pa at hangad ng DOH na maka-recover ang lahat ng pasyente.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *