Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss
John Lloyd Cruz Ellen Adarna Kiss

John Lloyd, ‘di kasama ni Ellen (balitang hiwalay, lalong lumala)

HINDI dahil hindi sumama si John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna sa opening ng isang spa sa Cebu kamakailan ay nanganga­hulugang hiwalay na nga ang mag-partner (na ‘di pa rin malinaw kung kasal o hindi). May isang entertainment website na ganoon ang gustong palabasin. Ang kitid ng utak ng website na ‘yon.

Bago lumabas ang report na mag-isa lang na dumating si Ellen sa opening ng spa, ‘yon, napaulat nang natiyempuhan ng ilang fans ang aktor na may kasamang batang lalaki sa syuting ng isang hinihinalang international film at hinihinala rin na ‘yung bata ay ang anak nina John Lloyd at Ellen.

Kung ‘yung anak nga nila ‘yon, ibig sabihin ay buo pa rin ang relasyon nila kaya’t naisasama ni John ang bata. Nangangahulugan din ‘yon na ‘di ina-apply ni Ellen ang umano’y nakuha n’ya sa korte na protection order na nagbabawal sa aktor na lumapit sa ina.

Sa litratong kuha sa umano’y syuting ng isang International movie, nag-ahit na Si John Lloyd, ‘di na nakasumbrero at jacket na pinagmumukha siyang isang sanggano. Ibig sabihin, tumigil na ang aktor sa pagpapa-weird ng hitsura n’ya. At di n’ya kasama si Ellen sa syuting na ‘yon.

Mas mabuti naman talaga para sa isang relasyon (kasal man o live-in), na hindi laging magkasama ang magpareha: para makahinga sila buhat sa isa’t isa at magkapanahon sa sarili. Isang tayutay (figure of speech) lang na nagiging isang tao na lang ang mga nagmamahalan. Magkaibang tao pa rin sila na may iba’t ibang hilig at pangangailangan. Kailangan nila ng panahon para sa sarili lang nila.

Kung magpapatuloy sina Ellen at John Lloyd sa ganoong klaseng pagbibigayan, malaki ang posibilidad na ‘di na sila maghihiwalay pa. Mukhang payag na rin si John Lloyd na magbalik-showbiz si Ellen.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …