NANINDIGAN si Senator Christopher “Bong” Go na malaking tao ang witness niya sa nabunyag na “hospital pass for sale” sa New Bilibid Prison (NBP).
Gayonman, tumanggi muna si Go na pangalanan ang kanyang testigo kasabay ng pagiutiyak na handa siyang magsalita sa kanyang nalalamang ilegal na aktibidad sa NBP.
Sinabi ni Go, ihahayag ng kanyang testigo ang mga nasaksihan sa loob ng NBP kung saan ginagawa ang illegal drug transaction sa ospital sa loob ng bilibid.
Inilinaw ni Go, hindi kinonsinti ng kanyang testigo ang pangyayari bagamat naro0n nang nangyari ang illegal drug trade operations.
Samantala, kinompirma ni Go na base sa pahayag ng kanyang testigo, totoo ang mga sinabi ni Senator Panfilo Lacson na nakapapagpasok ng cell phone sa NBP ang mga bilanggo dahil sa lagayan ng pera.
Binigyang-diin ni Go, kahit nasa kulungan ay nakakikilos pa rin ang mga sangkot sa illegal drugs dahil sa nangyayaring suhulan at modus sa loob.
(CYNTHIA MARTIN)