Thursday , June 4 2026

PNoy, Binay idinawit din sa droga noong 2014 at 2015

INAMIN ni Senate Pre­sident Vicente Tito Sotto III na idinawit noong taon 2014 at 2015 sina dating Pangulong Benigno Noy­noy Aquino III at dating Vice President Jejomar Binay sa illegal drugs ng taong kahalintulad ng nagbubulgar ngayon.

Sinabi ni Sotto, na­pag-alaman sa kanyang staff na may lumapit sa kanyang tanggapan noon na idinadawit ang dating pangulo at pangalawang pangulo sa illegal drugs.

Ayon kay Sotto, inim­bestigahan ito ng kanyang tanggapan ngunit hindi nagtugma ang mga bank account na sinasabing account ng pangulo at bise presidente kaya’t hindi nila pinag-aksaya­han ng oras dahil walang sapat na batayan para patulan ng senado.

Sa ngayon, may luma­la­bas na namang isyu na idinadawit ang Pangu­long Rodrigo Duterte at si dating SAP Bong Go.

Handa ang tangga­pan ni Sotto na imbesti­gahan ito bago imbestiga­han ng senado upang maiwasang magamit ang mataas na kapulungan sa mga maling imporma­syon.

Sa naturang presscon hindi maiwasang magka­sa­gutan sina Senador Bam Aquino at Bong Go sa isyu ng black propa­gan­da at nagturuan na kapwa kampo ng kalaban ang nagpapasimula nito.

Sa huli, naawat ni Sotto at nagkasundo ang dalawa na dapat iwasan ng oposisyon at ng admi­nistrasyon ang black propaganda.

Naghubad ng pang-itaas si Bong Go para patunayan na wala si­yang tattoo sa kanyang likuran tulad ng aku­sasyon ni Bikoy at luma­pit pa kay Senador Bam Aquino

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …