Wednesday , May 1 2024

Gerald Santos, bongga na kung mag-concert

PAGLULUTO ng chicken-pork adobo at sinigang ang isa sa mga natutuhan ni Gerald Santos habang nasa London at gumaganap siyang  Thuy sa Miss Saigon (na tumagal ng dalawang taon).

Oo nga pala, alam n’yo na sigurong narito sa Pilipinas sina Gerald at Aicelle Santos mula sa halos isang taon na pamamalagi sa London, England at sa iba pang European countries (gaya ng Germany at Switzerland) bilang miyembro ng International touring cast ng napakasikat pa ring Miss Saigon (na sa London talaga nagsimula, mga 20 taon na ang nakararaan).

Ang bait ni Gerald. Dumating siya sa bansa Martes ng gabi at kinabukasan ng tanghali ay humarap na siya sa ilang media people sa Oriental Palace sa Morato Avenue, QC. Hindi naman siya mukhang pagod at puyat. Ang saya pa nga n’ya at napaka-warm sa press people.

Sa London, may sarili siyang kuwarto pero may roommate siyang Thai na member din ng cast. Kaysa lagi siyang kumain sa labas ng breakfast at lunch, natuto siyang magluto ng mga sarili n’yang ulam. At dalawa nga sa mga natutuhan n’ya ay ang pagluluto ng adobo at sinigang.

Pero hindi naman ‘yung Thai roommate n’ya o isang British ang nagturo sa kanya. Tumawag siya sa mga kamag-anak o kaibigan n’ya sa Pilipinas para makapag-adobo siya at sinigang.

May Asian stores naman sa London na nabibilhan ng mga rikado, pero siyempre pa, ako pa rin mismo ang pupunta sa Asian stores para bilhin ang lahat ng kailangan.

Noong first week ko sa London, pinroblema ko talaga kung paano ako mabubuhay doon na ako ang gagawa ng lahat na dapat kong gawin kung gusto kong kumain na parang nasa Pilipinas pa rin ako,” kuwento n’ya sa Pinoy na Pinoy pa rin n’yang pagsasalita. Paminsan-minsan lang talaga siya nag-i-Ingles sa accent na Asian pa rin.

Actually, I learned not only how to survive performing in a musical every day but how to survive on my own. Walang PA (production assistant), walang manager, wala lahat!” lahad n’ya.

Ang puti n’ya. Mas maputi siya kaysa rati. At mas guwapo. ‘Di siya nangayayat at ‘di rin siya tumaba. Bulong naman sa amin ng manager n’ya sa Pilipinas na si Cocoy Ramilo: ”Nagdyi-gym siya several days a week saang bansa man sila nagpe-perform. Bumili siya ng card na pang-international na for gym use lang. Sa Pilipinas pa lang naman alam na n’ya kung anong mga equipment ang kailangan n’ya to keep his body in shape.”

He’s back, pero agad dig pumunta sila ng manager n’ya sa Thailand at sa Vietnam. Liwaliw lang ‘yon for 11 days. Ang dalawang bansang ‘yon ang pinili ni Gerald para makapag-bonding pa rin siya sa mga nakasama n’yang Thai at Vietnamese actors.

At dahil nga aalis sila kaya nakipag-meet agad sa press si Gerald. (Baka ipa-press conference din ng GMA 7 si Aicelle, dahil Kapuso talent pa rin naman siya.

Isa si Aicelle sa guests ni Gerald sa Homecoming concert n’ya sa May 4 sa The Theater at Solaire. Bigtime na siya kung mag-concert. After all, international star na rin siyang matatawag. Bago siya pumunta sa London ay sa SM Skydome lang siya nag-concert.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Julia Barretto

Julia Barretto hinangaan, nagustuhan ng mga Indonesian

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang nabalitaan namin na tuwang-tuwa raw ang fans kay Julia …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Andrea Brillantes

Daniel ‘di pa man santo marami ng ‘milagro’

HATAWANni Ed de Leon ANG maliwanag lang sa lahat, nagka-split lang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang umamin …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *