Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo The Hows Of Us
Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo The Hows Of Us

KathNiel, biggest loveteam of all time

MAGIGING masakit iyong pakinggan para sa mga naunang artista, pero matapos na kumita ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng mahigit na P700-M at ideklara nila iyong the biggest film grosser of all time, natabunan na ang sinasabing kinita ng Guy and Pip noong early ‘70s, o iyong mga kinita nina Sharon Cuneta at Robin Padilla noong 80’s. Tinalo na rin ng KathNiel ang mga pelikula noong araw niyong love team na Vi and Bot.

Pero siyempre iba pa naman ang pelikula noon. Ang mga pelikula noon inilalabas lang sa dalawang sinehan sa Maynila, at siguro mahigit na 100 sinehan sa buong bansa sa loob ng isang taon. Ngayon naman inilabas ang kanilang pelikula sa mahigit na 100 sa Metro Manila lamang at mahigit na 200 nationwide nang sabay-sabay. Kailangang isipin din na noong panahon ng Guy and Pip at Vi and Bot, ang bayad sa sine ay P26 lamang, kompara sa halos P300 ngayon. Pero kung ang kukunin mong statistics ay hindi nga ang kinita kundi ang bilang ng mga nanood na tao, panalo rin talaga ang KathNiel.

Kaya nga ngayon sinasabing sila ang biggest love team of all time. Ang kailangan namang patunayan ngayon ng KathNiel ay kung tatagal din sila kagaya ng Guy and Pip at Vi and Bot. Pero sa tingin namin, tatagal pa eh. Ngayon may mga ginagawa silang projects na hindi na sila ang magkasama. Tama naman iyon dahil baka magsawa ang mga tao kung lagi na lang sila, at matagal na rin naman iyong panahong sila na lang nang sila ang magkasama. Si Daniel, naging blockbuster din ang pelikulang kasama si Vice Ganda kahit na wala si Kathryn. Kailangan naman ngayong patunayan ni Kathryn na may magic pa rin siya kahit na wala si Daniel sa kasunod niyang pelikula.

Pero sa ngayon, mukhang safe na nga yatang sabihin na sila na ang biggest love team of all time, lalo na nga’t mukhang nagsipag-lamig na ang mga love team na kasabayan nila.

HATAWAN
ni Ed de Leon


Boy Abunda, magaling sa mga diskusyon at issue na ginagamitan ng utak
Boy Abunda, magaling sa mga diskusyon at issue na ginagamitan ng utak
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …