Wednesday , February 1 2023
Noel Comia Jr, Maja Salvador

Noel Comia another Carlo Aquino

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CARLO Aquino ng Cornerstone Entertainment. Ito ang tawag o taguri ng ilang mga kasamahang manunulat na dumalo sa launching ng Gen C ng Cornerstone Entertainment sa isa sa inilunsad nila, ang multi-awarded indie at soap actor na si Noel Comia Jr..

Mahusay na actor kasi si Noel at marami nang natanggap na pagkilala mula sa iba’t ibang award giving bodies at sinasabing mala-Carlo Aquino rin kung umarte.

Si Noel ay isa sa bida ng Nina Nino sa TV5 kasama si Maja Salvador. At ang teleseryeng ito ang ikinokonsidera ni Noel na pinakamahirap sa mga role na nagampanan niya bagamat marami na siyang pelikula o role na nagampanan.

“Itong ‘Nina Nino’ ang nahirapan ako kasi siguro first time na nagkaroon ako ng teleserye, tapos almost everyday ang taping. Mahirap ‘yung nagtse-change of character. Tapos ngayon ko rin lang na-experience ‘yung talon-talon ng character, mixed. Na kailangan ma- keep mo sa isip mo ang continuity ng role mo,” esplika ni Noelnang ilunsad silang 16 na bagong mga alaga ng Cornerstone Entertainment.

Inamin ni Noel na rewarding ang pagkaka-offer sa kanya ng Nina Nino. “Parang ‘yung lahat ng pinaghirapan na training, workshop nagkakaroon ng bunga. But they all say nga na this is only the beginning, something big is coming and I’m looking forward to that.”

Bago nasabak sa acting si Noel ay isa muna siyang commercial model ng milk product na pagkaraan ay sumali sa The Voice Kids at Your Voice Sound Familiar. Nabigyan ng pagkakataong makaarte sa  Maalala Mo KayaIpaglaban Mo.

Pero bago ito’y may career na siya sa theater kaya naman Hall of Famer na siya sa Aliw Awards bilang Child Performer. At sa pelikulang Kiko Boksingero naman siya nabigyan ng unang Best Actor award sa Cinemalaya noong 2017.

Bukod sa recognition  na ito, madalas ding napapasabak sa mga international filmfest ang mga pelikulang kasama si Noel. Kaya naman noong una’y tila hindi pa niya feel ang importance nito.

“Actually to be honest noong una hindi ko pa inisip na ganoon kalaki ‘yung ma-recognice sa mga international filmfest ang pelikula. Parang nice lang. Pero before the ‘Death of Nintendo’ na pinapunta kami sa Germany para sa Berlinale 2020, na nagpunta kami ng Berlin, it’s my first time and grabe ang experience ko and iba pala ang feeling na makapasok sa isang international film festival. It is such an honor kaya nagpapasalamat ako ng sobra sa mga naka-recognize ng work naming,” masayang paglalahad ni Noel ukol sa Berlinale na world’s largest international film festival.

Sa kabilang banda, gustong makilala ni Noel bilang versatile actor at kung bibigyang pagkakataon gusto niyang makatrabaho ang kapatid niya sa Cornerstone na pinasok na rin ang par-arte, si Zephanie Dimaranan at si Kathryn Bernardo.

“Si Kathryn kasi ang galing-galing umarte. Kapag nanonood ako ng films niya nadadala ako sa eksena niya. Pati si Sir Daniel Padilla gusto ko ring makatrabaho,” sabi pa ni Noel.

Sa ngayon sa Nina Nino pa lang napapanood si Noel at katatapos lang ipalabas ang kanilang Gitarista  sa International Film Festival Manhattan.

Ang Death of Nintendo naman ay kakalabas din lang sa ITunes, Amazon, at iba pang streaming platforms.

Ngayong nasa Cornerstone na si Noel tiyak na mas marami pang pelikula at teleserye siyang gagawin at marami pang award ang makukuha niya, kaya abangan ang aktor na binansagang mala-Carlo Aquino dahil sa galing umarte.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jun Miguel Talents Academy PMPC 35th Star Awards for TV

Talents Academy wagi sa  PMPC 35th Star Awards for TV

MASAYANG-MASAYA ang dating That’s Entertainment member na si Jun Miguel na siyang producer and director ng matagumpay na children’s …

Maria Luisa Varela Miss Planet International 2023

Maria Luisa Varela itinanghal na Miss Planet International 2023

HINDI man tayo pinalad na manalo sa Miss Universe, Miss International, at Miss Earth ay wagi naman ang Pilipinas sa Miss …

Paolo Ballesteros

Vice Ganda tinalo ni Paolo Ballesteros sa Star Awards for TV

MATABILni John Fontanilla WAGING-WAGI sa katatapos na Philippine Movie Press Club 35th Star Awards for Television na ginanap …

Lian Paz Paolo Contis

Lian Paz may parinig kay Paolo Contis

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang naging post ni EB Babe …

Richard Yap Jodi Sta Maria Gabbi Garcia Joshua Garcia

Unbreak My Heart ng ABS-CBN at GMA kukunan sa Switzerland

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INUMPISAHAN na pala ang shooting ng kauna-unahang collaboration ng GMA Network at ABS-CBN, …