Wednesday , August 10 2022
Zephanie Dimaranan

Zephanie papasukin na ang pag-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA rin sa ilulunsad ang acting career ay si Zephanie Dimaranan na winner sa first season ng Idol Philippines.

Member si Zephanie ng ASAP New Gen Divas kasama sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, at Janine Berdine. Pero gusto ring pasukin ni Zephanie ang pag-arte.

“I love watching movies, watching teleseryes,” ani Zephanie nang matanong namin kung bakit gusto niyang umarte. “And nabibilib ako talaga sa mga actress and actor and I want to venture rin po roon kasi it will help me personally for who I am and since talagang andito na rin ako why not explore all the fields.”

Sinabi pa ni Zephine na sobra siyang nae-excite sa mga worshop na ginagawa nilang Gen C bilang paghahanda sa launching nila at sa mga project na darating.

“Sobrang exciting ‘yung ginagawa naming, itong workshop and it’s really fun and sobrang naka-help na siya sa akin kahit workshop pa lang (sa pag-arte),” kuwento ni Zephanie.

Hindi naman niya pababayaan ang singing career sakaling mapagtagumpayan niya ang acting career.

“Hindi ko pababayaan ang singing. May chance lang na mag-focus sa acting career pero hindi ko pababayaan ang singing career.

“I won’t really forget the first thing na ginawa ko kung bakit ako nakapasok sa showbiz, which is singing,” giit pa ni Zephanie.

Noong Lunes kasama sina Zephanie at Noel sa 16 na ipinakilala ng CS bilang mga bago nilang alaga na mabibigyang pagkakataon para sumabak sa acting, singing at iba pa.

“This is actually a long time in the making. We’re already building them up for the longest time and we feel that after so much training and preparation, this is the ideal time for them to be introduced as part of the growing CS family. Most specially at this time when there’s more demand for content. So we are putting the well-deserved spotlight to these new exciting actors, personalities and content creators,” sambit ni Jeff Vadillo, Vice President ng CS Entertainment.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Korea Philippines Friendship Fashion Week 2022

Korea-Philippines Fashion Week 2022 matagumpay

SOBRANG nag-enjoy ang ilang Korean Top Models (International K-Top Models) na mula sa South Korea …

Elijah Alejo

Elijah Alejo handa na sa matured roles

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA nang sumabak sa mga matured role ang dating child star na …

Julie Anne San Jose Dennis Trillo Barbie Forteza

Dennis, Barbie, at Julie Ann bibida sa Maria Clara at Ibarra  

I-FLEXni Jun Nardo UNTI-UNTI nang nakukompleto ang bigating cast ng upcoming GMA historical portal fantasy series na  Maria …

Rhian Ramos Sam Verzosa

Rhian at Sam isang taon na ang relasyon 

I-FLEXni Jun Nardo ISANG taon na ang relasyon ng Kapuso artist na si Rhian Ramos sa businessman na si Sam …

blind item, woman staring naked man

Young male star wala nang ginawa kundi maghubad

ni Ed de Leon PUMAYAG na maghubad ang isang young male star nang isama siya sa pelikula, …