Tuesday , April 23 2024
Dennis Trillo, Jennylyn Mercado Wedding

Garden wedding nina Dennis at Jen tahimik at pribado

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAS naging tahimik ang pagpapakasal nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, na ginanap sa garden ng studio na ipinatayo at pag-aari ni Kathryn Bernardo. Siguro napili naman nila ang lugar na iyon dahil pribado nga. Roon na rin maaaring gawin ang pagbibihis at make-up ni Jennylyn, at walang magkakaroon ng supetsa makita man silang magpunta roon dahil studio nga iyon.

Isang judge, batay sa suot niyang robe, ang nagkasal sa dalawa na hindi naman pinangalanan ng mga nag-post ng pictures kung sino, at hindi mo rin makilala dahil sa suot na face mask, bagama’t ang mga ikinakasal, sina Dennis at Jennylyn ay walang suot na face mask sa kanilang kasal.

Walang ibang detalyeng lumabas. Hindi rin sinabi kung sino ang tumayong ninong at ninang. Hindi rin sinabi kung naroroon ang anak ni Jen na si Alex Jazz, at ang anak ni Dennis na si Calix. Naging masyado nga iyong pribado, pero ang mahalaga natapos na ang kasal at ngayon nga ay wala na silang iisipin kundi ang paghihintay ng panganganak ni Jennylyn ng kanilang first baby, na due na rin mga ilang buwan pa.

Maraming mga kaibigan nilang celebrities na nagpa-abot na rin sa kanila ng pagbati sa pamamagitan ng social media, kasi nga wala rin naman sila sa pribadong kasal. May nagsasabi naman siguro kung puwede na nga ang gathering, mag­papakasal na muli sina Dennis at Jennylyn na makakasama nila ang kanilang mga kaibigan.

Gusto lang siguro nilang bago isilang ang kanilang first baby, kasal na sila. Pareho na kasi silang may anak out of wedlock sa mga naunang relasyon.

Ngayon talagang nakapahinga na si Jennylyn dahil sa desisyon niyang huwag na munang magtrabaho para ingatan ang kanyang pagbubuntis, inilagay naman on hold ng GMA Network ang ginagawa niyang serye hanggang sa makapanganak siya sa susunod na taon.

Si Dennis naman katatapos lamang isa niyang serye at sinasabing may balak namang mag-iba ng diskarte sa kanyang career at tumanggap na ng mga kontrabida role.

Basta sa ngayon, ang importante kasal na sila.

About Ed de Leon

Check Also

Mia Japson Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Mia Japson dream come true makasama sa concert sina Haji, Rachel, at Gino

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa baguhang singer na si Mia Japson ang makasama sa …

James Reid

Paghuhubad ni James inaabangan

MATABILni John Fontanilla KINAGILIWAN ng publiko ang naging pahayag ni James Reid na dahil sa sobrang init …

Ladine Roxas Kris Lawrence Vehnee Saturno

Ladine  at Kris mapanakit may hugot ang bagong kanta

MATABILni John Fontanilla NAGBABALIK-RECORDING scene ang Voice of Asia Grand Winner, International coach Ladine Roxas with the song Within with …

Andres Muhlach Family

Andres itinangging mama’s boy, super love lang si Charlene 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach na siAndres na hindi siya mama’s …

Belle Mariano Donny Pangilinan Donbelle

Belle magiging parte ng buhay si Caroline

MA at PAni Rommel Placente MIXED emotions ang nararamdaman ng magka-loveteam na Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapit …