Wednesday , May 22 2024
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Xian Lim

Jen at Dennis nagpa-fertility treatment; Serye ni Xian bulilyaso?

I-FLEX
ni Jun Nardo

NADUGTUNGAN pa ‘yung rebelasyon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 24 Oras last weekend.

Ilang fertility treatment ang ginawa raw nina Jen at Dennis para magkaanak. Pumasok na rin sa kanila ang paraan ng surrogacy para magkaanak.

Kaya laking himala raw nang mabuntis si Jen at mahigit tatlong buwan na ang ipinagbubuntis!

Naku, matatanda na sila kaya alam na nila ang tama at mali hindi gaya noong nagkaroon sila ng anak sa murang edad, huh!

Masaya man sina Jen at Dennis sa engagement at pagbubuntis ng huli, I wonder kung ano ang feeling ni Xian Lim sa developments na ito sa leading lady niya sa first Kapuso series niyang Love, Die, Repeat?

Unang Kapuso serye niya, tila mabubulilyaso pa, huh!

Wala pang desisyon ang GMA tungkol sa natigil na series nina Jen at Xian.

About Jun Nardo

Check Also

Vilma Santos Bryan Dy

Bryan Dy ng Mentorque Productions, dream come true na gumawa ng movie with Ms. Vilma Santos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA NAGDAANG Barako Fest 2024 ay nabanggit ni Bryan Dy ng …

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

Lolit Solis Boy Abunda Rhea Tan Alice Eduardo

Manay Lolit dinagsa ng malalaking personalidad sa 77th birthday celebration

MATABILni John Fontanilla NAG-UUMAPAW sa kasiyahan si Manay Lolit Solis sa pagdalo ng kanyang mga kaibigan mula …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …