Saturday , June 15 2024
Baron Geisler, Barumbadings

Baron Geisler, ipinahayag na ‘di lang isang simpleng gay film ang Barumbadings

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD sa kakaibang role sina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler sa kanilang bagong pelikulang pinamagatang Barumbadings. Bibigyan ni direk Darryl Yap ng twist ang kanilang pagiging barumbado at makikilala sina Raval, Fernandez, at Geisler bilang Barumbadings.

Sa panayam kay Baron, iginiit niyang hindi lang basta isang gay film ang kanilang pelikula.

Esplika ng mahusay na aktor, “Ang naging conflict lang with me is my faith, kasi nga parang I really asked a question and prayed to God. ‘Why should I do this gay film again? Is it promoting things that are indiferrent?’ Parang ganoon…”

Dagdag pa ni Baron, “But eventually when I look into the script further down deep into this concept, I said, ‘Maybe, people will come to realize that it’s not just a gay film, it’s about people na hindi dapat pumayag na tapakan… mapa-lalaki, mapa-babae, mapa kung anong gender, basta alam mong mayroon kang integridad sa buhay, mayroon kang tamang goal, then huwag tayong pumayag na tapakan tayo ng tao or ilaglag.

“So, this film for me is about fighting for integrity, it’s not a gay film, it is more than that, it’s genderless.”

Ang comedy-action movie ay hindi lang umiikot sa kanilang tatlo. Ang award-winning actor na si Joel Torre ay bibida rin dito bilang si “Mother Joy”. Siya ay gumaganap na isa ring bakla na kumupkop kina Izzy (Jeric), Jopay (Mark), at Rochelle (Baron).

Si Joy ay isang sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. Kahit bruskong tignan dahil sa kanyang bigote at balbas-sarado, siya ay may malambot na puso, maawain at mapagpatawad. Hindi niya pinapatulan ang mga nangbu-bully sa kanyang pagiging bakla. Kinupkop niya sina Izzy, Jopay, at Rochelle upang ilayo sa gulo, at sa halip ay ipakilala sa mundo ng beauty pageants.

Si Izzy ay mukhang Haponesa, marunong ng Samurai skills, kaya’t walang takot kahit kanino. Tahimik lamang si Izzy, sa katunayan ay hindi nga siya nagsasalita. Tulad ni Izzy, si Jopay ay isa ring tigasing bading. Hindi siya paaapi. Maganda ang kanyang mga mata, na nagagamit niya sa pagiging sharp-shooter. Si Rochelle ang ikatlong alaga ni Joy. Lagi itong may lollipop sa bibig. Ngunit hindi tulad ni Joy na malambing, si Rochelle ay tigasin at magaling sa Mixed Martial Arts.

Simula Nov. 5, 2021, mapapanood na ang Barumbadings sa Vivamax. Kasama rito sina John Lapuz bilang Queenpin, isang bakla, at si Cecil Paz bilang Buchi, isang tomboy. Dati silang magkarelasyon na naging mortal na magkaaway. Sila ang rason kung bakit nasangkot sa karahasan sina Izzy, Jopay, at Rochelle.

About Nonie Nicasio

Check Also

Wil To Win

Willie Revillame balik-TV5, Wil To Win gugulong na 

INANUNSIYO ni Willie Revillame sa isang sorpresang Facebook Live ang pamagat ng kanyang engrandeng pagbabalik-programa sa TV5, ang Wil to Win. Ang rebranding ng …

Claudine Barretto Elaine Crisostomo

Sinag shooting nagkaroon ng aberya

REALITY BITESni Dominic Rea MATIWASAY ang naging two-day shooting sa Nasugbo at Lian, Batangas para …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Atty Joji Alonso

Atty Joji nanlumo sa kinita ng foreign movie—people do watch films they like, regardless of ticket prices

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang kinita ng foreign film na Inside Out 2 na ipinalabas last June …

blind item

Male star pinagbintangang may karelasyong beki, blogger na nang-intriga idedemanda

MAAARI bang magdemanda ang isang male star laban sa isang blogger na nagsasabing noong araw ay nakipag-relasyon siya sa …