Friday , January 28 2022
Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Dennis at Jen babae ang magiging anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBINAHAGI ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang kasarian ng paparating nilang baby.

Sa latest video sa YouTube channel ni Jennylyn, inilahad ng mag-asawa na ginawa nilang isang selebrasyon na lang ang kanilang kasal at gender reveal ng kanilang anak na isang babae.

Hiniwa nina Jennylyn at Dennis ang cake, hanggang sa natuwa ang kanilang mga panauhin na kulay pink na cake ang nasa loob, na nanganga­hulugang baby girl ang kanilang inaasahan.

“Noon pa lang, gusto talaga namin ni Jen na magkaroon na ng baby girl. Kasi siyempre ‘yung mga anak namin puro lalaki. Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, bibihisan, lalong lalo na si Jen, tuwang tuwa siya sa baby girl,” sabi ni Dennis.

Dagdag naman ni Jen, mahilig sila ni Dennis na hiramin ang mga baby girl ng kanilang showbiz friends na sina Empress Schuck at Sheena Halili.

Inihayag din nina Jennylyn at Dennis na baby girl ang gusto nilang maging anak nang pinaplano nila ang surrogacy. 

About Rommel Gonzales

Check Also

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

The Broken Marriage Vow cast

The Broken Marriage Vow ilegal na dina-download; nakagigigil na eksena trending

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PUMUPUTAK sa kanyang Facebook account si Eric John Salut ng ABS-CBN dahil sa …

Claudine Barretto Mark Anthony Fernandez

Deception palabas na sa Jan. 28 sa Vivamax, relasyong Claudine at Mark Anthony may part-2?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGPALITAN ng magagandang salita sa isa’t isa sina Claudine Barretto at …

Sanya Lopez Rabiya Mateo

Sanya Lopez ‘di nagpakabog kay Rabiya Mateo

I-FLEXni Jun Nardo KASAMA pa rin pala si Sanya Lopez sa mga unang episodes ng pagbabalik ng Agimat …

Gerald Anderson Bea Alonzo

Bea at Gerald pwedeng magsama dahil sa kape

I-FLEXni Jun Nardo ABA, pareho palang endorser ng isang brand ng kape ang ex-lovers na …