Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tigasin si barangay councilor na karnaper

Dragon LadyHINDI dapat ipagpatuloy ni Barangay San Jose, Novaliches Quezon City, Arnel Divera ang kanyang posisyon bilang konsehal ng barangay.

Kahit ang taongbayan ng nasabing lugar ang nagluklok sa kanya, dahil hindi dapat manatili ang isang Karnaper at bumibili ng spare parts ng mga carnap na motorsiklo.

****

Matapos salakayin kamakailan ng mga tauhan ng Task Force Limbas ng QCPD-PNP ang shop na pag-aari ng konsehal, narekober ang sankaterbang pekeng plaka, mga ‘di tugmang mga rehistro at mga chop-chop na mga nakaw na motorsiklo.

***

Nakahihiya na ang isang halal na konsehal ng barangay ay ginagamit ang kanyang posisyon para makapagnegosyo nang ilegal. Dapat sa konsehal na ‘yan ay tsupi!!!

***

Teka… ipinagyayabang ni Divera na ‘bata’ umano siya ni Rodriguez Rizal Vice Mayor Tomtom Hernadez, yabang mo! O baka naman si vice mayor ang kasosyo ng mayabang na si Divera?

Aba, dapat siguro imbestigahan si vice mayor. Kung bata niya si Divera, posibleng may kinalaman si vice mayor sa kanyang ilegal na negosyo o baka kasosyo! Hindi naman kaya financer?

KAYANIN KAYA NI MANALO
ANG DFA SECRETARY?

Kung ang dahilan nang hindi pag-apruba ng CA kay Perfecto Yasay ay dahil sa citizenship niya bilang kalihim ng DFA, umubra kaya si Enrique Manalo bilang kahalili ni Yasay?

Bagama’t pansamantalang hahalili si Manalo, dahil naghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte nang ipapalit kay Yasay, makaya kaya ni Manalo ang pagiging OIC sa DFA?

***

Sa buwan ng Abril ay gaganapin ang ASEAN Summit na maraming delegado mula sa iba’t ibang bansa ang darating, kaya mahalaga ang papalit na Kalihim ng DFA ay may sapat na kaalaman sa ASEAN, at matulungan si Pangulong Duterte bilang Chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Hindi lamang sa Asya, maging  sa Middle East at Europa, dahil nakatakdang bumisita dito ang Pangulo.

***

Kung si Manalo ang magiging permanenteng Kalihim ng DFA, naniniwala si Yasay na kaya ito ni Manalo, dahil malaki umano ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Manalo…

Harinawa!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …