Wednesday , November 12 2025
Kris Bernal Heart Evangelista

Kris Bernal iginiit ‘di ginagaya si Heart 

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING pinaulaanan ni Kris Bernal na ginagaya niya si Heart  Evangelista.

Sa guesting ng aktres sa LOL Your Honor segment ay biniro ito ni Chariz Solomon at sinabing, “‘Yung feeling Heart Evangelista ka raw. Anong masasabi mo roon?”

Natawa si Kris sa biro at tanong ni Chariz na sinagot nito ng, “Hindi ko alam, bakit? Ah, kasi kung feeling Heart Evangelista ako, eh ’di sana mayroon din ako niyong mga Bvlgari niya, lahat ng alahas niya.

“O kaya mayroon ako ng kasing dami ng Birkin. Eh ’yon, wala naman akong mga ganoon. Diyos ko!

Dagdag pa ni Kris na kaysa bumili siya ng mga luxury brand, mas priority niya ang matapos ang kanyang dream house.

At nang matanong ito kung anong masasabi sa mga taong nagmamay-ari ng mga luxury item, para kay Kris, isa itong inspirasyon para mas magtrabaho pa siya nang mag trabaho para makabili.

“Nai-inspire ako na parang kailangan ko pang magtrabaho, o parang gusto ko pang mag-open ng business para mabili ko ’yan,” ani Kris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …