PATULOY na umiinit ang 61st Binibining Pilipinas (Bb) Pageant sa pagrampa ang mga Binibini sa runway sa ginanap na 2025 Binibining Pilipinas Press Presentation sa Novotel Manila Araneta City kahapon, Huwebes, 22 Mayo.
Pinangunahan ang programa ni aktor Wize Estabillo at co-hosts na sina Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra at Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay.
Itinampok sa Press Presentation ang 36 kandidata ng Binibining Pilipinas sa isang paunang kompetisyon ng swimsuit at evening gown sa Monet Ballroom ng Novotel Manila, Araneta City, Cubao, Quezon City.
Binuksan ng mga kandidata ang Press Presentation suot ang kanilang mga swimsuit mula sa Dia Ali ni Justine Aliman, dala ang init ng tag-araw habang ipinamalas ang kanilang kahanga-hangang mga pigura.
Pinasaya ng Pinoy Pop Girl Group KAIA ang audience sa pamamagitan ng kanilang mga patok na awitin na “5678”, “Tanga”, at “Kaya”. Nagpatuloy ang kompetisyon habang rumarampa ang mga Binibini sa kanilang mga evening gown.
Bagama’t ipinalabas nang live sa opisyal na YouTube channel at social media platforms ng Binibining Pilipinas, ang Press Presentation ay isang eksklusibo at closed-door na palabas na isinagawa sa harap ng mga miyembro ng media, editor, kolumnista, photojournalist, blogger ng pageant, at mga kritiko. Sila rin ang bumoto para sa Face of Binibini.
Pinangunahan ng mga sumusunod na personalidad ang hurado para sa preliminary competition:
Ms. Veana Fores, miyembro ng Binibining Pilipinas Executive Committee
Pia Ojeda, Junior Deputy Executive Committee Member
Ms. Vida Doria, Bb. Pilipinas Universe 1971 at Executive Committee Member
Irene Jose, Trustee ng Binibining Pilipinas at OIC ng Uniprom Inc.
Marjorie Go, VP for Marketing ng Araneta City
Ms. Maria Garcia, Cluster General Manager ng Araneta Hotels, Inc.
Ms. Badette Cunanan, PR Manager ng Manila Bulletin
Mr. Doodz Policarpio, President at CEO ng Executive Training Institute of the Philippines
Ms. Michelle Binoya, Brand Manager ng Pizza Hut
Ms. Anna Perez, Presidente ng My Daily Collagen
Ms. Dani Barretto, Founder at CEO ng Wellness Whispers
Mr. Raul Ecaldre, Marketing Manager ng Victory Liner
Ms. Krizia Cortez, PR Director ng Playmate Leisure Solutions Inc. para sa Playtime
Mr. Michael Angelo, Marketing and Entertainment Head ng Thunderbird Resorts and Casinos
Dr. Jonna Cenica Cabuyao, Presidente ng Nhue Creative Studios
Mapapanood nang mas malapitan ng mga tagasuporta ang mga kandidata sa darating na 2025 Binibining Pilipinas Lagoon Fashion Show na gaganapin sa Lagoon ng Gateway Mall 2, Araneta City sa 28 Mayo, at sa Grand Parade of Beauties sa 7 Hunyo.
Ang mga nanalo sa Swimsuit at Evening Gown competition at ang Face of Binibini ay iaanunsiyo sa pinakahihintay na grand coronation night ng 60th Binibining Pilipinas pageant sa 15 Hunyo sa Smart Araneta Coliseum. (HNT)