Thursday , June 19 2025

Walang budget sa manual recount ng boto – Comelec

INIHAYAG kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan munang amiyendahan ang Republic Act No. 9369 o ang Automated Election Law o ‘di kaya ay magpasa ng bagong batas upang bigyang-daan ang pagdaraos ng manual recount.

Ginawa ni Garcia ang paglilinaw kasunod ng ilang panawagan na bilanging muli nang mano-mano ang mga boto sa katatapos na midterm polls noong nakaraang Lunes, 12 Mayo.

Ayon kay Garcia, ang layunin ng naturang batas ay magkaroon ng ‘full’ automated polls, na hindi na kinakailangan ng manual counting ng mga boto.

Sa kabila nito, nakasaad aniya sa batas ang pagdaraos ng random manual audit (RMA) na ang intensiyon ay maberipika kung tama ang ginagawang pagbibilang ng mga makina sa mga balota.

Dagdag ni Garcia, wala rin budget ang Comelec para sa manual recount ng mga balota.

“Wala po kasi tayong budget para riyan sa mga pagbibilang na ganyan kung talaga bang ‘yan ay pine-prescribe. Bakit? Simula noong 2010 na nag-automated election tayo, ay wala po tayong mga ganyang klaseng pagbilang,” ayon kay Garcia.

“Kung pagbibigyan natin sila, sino po magbibilang? Saan bibilangin? Magkano ang budget? Saan kukuhain ang budget? Anong proseso? Anong procedure ng pagbilang?”

Una nang sinabi ni Garcia na tanging isang election protest ang maaaring mag-trigger para sa manual recount ng mga boto.

Nitong Sabado, naiproklama na ng Comelec ang 12 nagwaging senador para sa 2025 midterm elections.

Ngayong araw, Lunes, 19 Mayo, nakatakdang iproklama ang mga nanalong partylist groups.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC MAG-ATENG ‘BUGAW NASAKOTE Retrato video ibinubugaw online

Retrato, video ibinubugaw online
10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC; MAG-ATENG ‘BUGAW’ NASAKOTE

SAMPUNG menor de edad na ang mga retrato at video clips ay ibinubugaw sa internet …

Erwin Tulfo DRT Bulacan FEAT

Incoming Senator Erwin Tulfo nag-inspeksiyon sa DRT, Bulacan

NAG-INSPEKSIYON nitong nakaraang 9 Hunyo si incoming Senator Erwin Tulfo sa isang lugar sa Doña …

Gun poinnt

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee …

BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili …

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula …