Thursday , June 19 2025
Raymond Adrian Salceda

Albay 3D Rep Salceda, isusulong ang ‘Aleco modernization,’ pagsasaayos sa tubig, ‘agro-ecotourism,’ at ‘agri-development’

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda, na nanalo sa katatapos na eleksyon, na isusulong niya ang modernisasyon ng Albay Electric Cooperative (Aleco), isang malubhang suliraning nagpapasadsad sa pag-unlad ng Albay sa loob ng ilang dekada na.

Ipinangako din ni Salceda na sisikapin niyang ayusin ang problema sa kakulangan ng tubig sa malaking bahagi ng kanyang destrito at palaguin ang makabagong agrikultura na pangunahing hanap-buhay ng kanyang mga kababayan, at iginiit din niyang sisikapin niyang pamuhunanan ng pamahalaan ang mga impraestrakturang pang-turismo doon, na magsusulong sa ‘agro-ecotourism’ ng Ligao City.

“Isusulong naming maging modernong lungsod ang Ligao, kung saan ilalagay ang aking ‘District Office’ dahil nasa gitna ito ng destrito. Bukod dito, gagawin din de-kalidad ang ‘flood control projects’ sa destrito na makatutulong sa mga magsasaka na madalas palubugin ng baha ang kanilang mga bukid, lalo na sa mga bayan ng Oas, Polangui at Libon,” giit niya.

Napakahalaga din ng mga ito sa ”full internationalization” ng ‘Bicol International Airport operations’ na nakabase a bayan ng Daraga, na ‘top priority’ sa ilalim ng  programang ‘Global Albay’ na inilatag ng kanyang ama, si dating 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na ngayon ay isusulong din niya.

“Ang tagumpay ng BIA ay tagumpay din ng aking destrito at ng buong Albay,” ayon sa bagong mambabatas na dating Mayor ng Polangui at pangulo ng League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Albay Chapter. Nanalo siya sa katatapos na eleksyon batay sa malakas niyang programang HEART 4S na ang estratehiya ay siya ring nagpasulong sa kanyang bayan at inaasahang magpalago din sa kanilang destrito.

Ang programang HEART 4S ni Salceda ay nakatuon sa ‘H-Health; E-Education; A-Agriculture; R-Rural Infrastructure; T-Tourism, Trade and Transportation (HEART).’ Kalakip naman sa bahaging 4S nito ang ‘Social Services, Senior Citizens and Solo Parents, Small and Micro Enterprises, and Sports and Youth Development.’

Nakatuon naman ngayon ang pangunahing peayuridad nito sa sa higit na mabigat na suliranin – ang modernisasyon ng Albay Electric Cooperative (Aleco) kung saan tiniyak niya ang pagtatatag ng ‘power substation’ sa bawat bayan sa buong Albay na pasisimulan sa kanyang destrito – “upang ang problem sa isang bayan ay hindi maka-apekto sa mga karatig bayan.”

Ayon kay Salceda, kailangan ang mabisang ugnayan sa EDC (Energy Development Corporation) at PGPC (Philippine Geothermal Production Company) para mga ‘microgrids’ sa bayan ng Manito at Tiwi. May ilang ‘substations’ na ang naipatatag ng kanyang ama, si 2nd district Rep. Joey Sarte Salceda sa mga bayan ng Camalig, Daraga, Sto.Domingo at Rapu-rapu.

Sinabi ng bagong mambabatas na mayrong P1.2-bilyong subsidiya ang Aleco The young lawmaker said Aleco, kaya tututukan niya ang nalalabing P600 milyong upang makumpleto ang P1.8 bilyong kailangan para sa ‘full modernization’ ng Aleco. May inaprubahan na ring I,000-Megawat ‘renewable energy peojects’ sa Albay ang Department of Energy na tutulungan din nito ang implementasyon.

Para naman sa ‘full BIA Internationalization,’ tiniyak ni Salceda na siya ay makikipagtulungan upang maibalik ang ‘direct direct international flights’ sa Albay at makikipag-ugnayan sa mga ‘regional airlines’ upang maging ‘secondary international gateway’ ang BIA sa Timog Luzon.

Sa ‘Port Containerization’ naman, ang mga prayuridad ni Salceda ay gaya ng mga sumusunod: Pantao Port sa bayan ng Pantao upang mabuksan ang makatutuhanang ‘district export capacity,’ at itaas ang antas ng Pioduran Port para sa pakikipag-kalakalan sa mga lalawigan ng Masbate and Quezon, na madpapababa din sa  ‘shipping costs for producers’ ang magpapalgo sa ‘Albay to global trade;’

Pasimulan na ang operasyon ng Pantao Ecozone paea sa mga ‘agri-processing, renewable energy, and export-oriented investors’ sa ilalim ng CREATE MORE (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy);

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, layunin ng programa ang palawakin ang mga benepisyo ng EQUAL (Education Quality for Albayanos)/AHECS (Albay Higher Education Contribution Scheme), para sa mga estudyante sa mga pribadong paaralan, at akitin ang iba sa kanila na subukan ang Techvoc; at tulungang ilunsad ang AHECS 2.0 na magkakaloob ng suportang ‘tuition’ sa mahihirap na mag-aaral sa mga pribadong kolehiyo, akitin din ang unang 10% sa Senior High School na piliin ang karera sa pagtutro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC MAG-ATENG ‘BUGAW NASAKOTE Retrato video ibinubugaw online

Retrato, video ibinubugaw online
10 MENOR DE EDAD NASAGIP SA TARLAC; MAG-ATENG ‘BUGAW’ NASAKOTE

SAMPUNG menor de edad na ang mga retrato at video clips ay ibinubugaw sa internet …

Erwin Tulfo DRT Bulacan FEAT

Incoming Senator Erwin Tulfo nag-inspeksiyon sa DRT, Bulacan

NAG-INSPEKSIYON nitong nakaraang 9 Hunyo si incoming Senator Erwin Tulfo sa isang lugar sa Doña …

Gun poinnt

Sa Araw ng mga Ama
HOUSE COMMITTEE DIRECTOR ITINUMBA SA B-DAY NG ANAK

ni ALMAR DANGUILAN HINDI nakaligtas sa kamatayan ang Director ng House ways and means committee …

BARMM Rice Bigas

P680-M biniling bigas ng BARMM pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sinabing pagbili …

Container van nahulog sa trailer truck Taxi napipi Abad Santos Ave

Tumama sa ilalim ng footbridge
Container van nahulog sa trailer truck taxi nadaganan
Tumaas na aspalto sinisi

MATINDING pinsala ang inabot ng isang taxi matapos madaganan ng container van na nahulog mula …