INAASAHANG ipoproklama ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Lunes, 19 Mayo, ang mga nagwaging partylist groups sa katatapos na May 12 midterm elections.
Inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nasa 63 ang ipoproklama nilang partylist groups.
Gaganapin ang proklamasyon dakong 3:00 ng hapon sa The Manila Hotel Tent City.
Sa katatapos na canvassing ng Comelec, tumatayong National Board of Canvassers (NBOC), ang Akbayan party-list ang idineklarang nanguna sa bilangan matapos makakuha ng botong 2,779,621.
Pumasok sa nangungunang 15 partylist ang Duterte Youth (2,338,564 boto); Tingog Party-list (1,822,708), 4Ps Partylist (1,469,571); ACT-CIS (1,239,930); Ako Bicol (1,073,119); Uswag Ilonggo (777,754); Solid North Partylist (765,322); Trabaho (709,283); CIBAC (593,911); Malasakit @ Bayanihan (580,100); Senior Citizens (577,753); PPP (575,762); ML (547,949); at FPJ Panday Bayanihan (538,003).
Noong Sabado, una nang iprinoklama ng Comelec ang 12 winning senators sa katatapos na midterm elections.