KINOMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na ang 2025 ang may pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm elections sa bansa.
Inianunsiyo ito kahapon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang pulong balitaan sa Manila Hotel Tent City.
Ayon kay Garcia, ang kabuuang bilang ng mga bumoto sa katatapos na midterm polls ay nasa 81.65%.
Ito na ang pinakamataas na voter turnout para sa isang midterm polls, sa buong kasaysayan ng Comelec.
“This is the highest [voter turnout] in a midterm election,” dagdag ni Garcia.
Sinabi ng Comelec chairman na ang pagtaas ng voter turnout ay bunsod nang pagdagsa ng mga kabataang botante, tulad noong 2022 polls.
Kahalintulad din aniya ito nang naitalang turnout noong 2022 presidential polls, na nasa 82.5%.