KOMPIRMADONG patay ang dalawang residente habang sugatan ang lima katao sa sunog na naganap sa Caloocan City nitong Miyerkoles, 14 Mayo.
Kinilala ni Fire Senior Inspector Elyzer Ruben Leal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktimang sina Liane Nicole Dacayamat, 16 anyos, at Robert Alinas Guerrero, 52, kapwa residente sa Natividad St., Brgy. 81, Caloocan City.
Ayon sa BFP Caloocan, bandang 5:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima.
Tinitingnan na ang faulty electrical wiring o naiwang charger ng cellphone ang pinagmulan ng sunog. Dakong 6:00 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog.
Bandang 12:50 ng madaling araw kahapon nang makuha ang bangkay ni Guerrero habang 6:42 ng umaga narekober ang bangkay ni Dacayamat.
Nasukol sa loob ng nasusunog na bahay ang mga biktima.
Kasalukuyang nasa isang simbahan at tatlong covered courts ang 70 pamilya na apektado ng sunog.