Friday , April 25 2025
ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong overspending ni dating Laguna Governor Emilio Ramon Pelayo Ejercito, III (aka Jeorge Estregan)  na naging sanhi ng pagbaba niya sa puwesto noong May 30, 2014. 

Batay sa 20-page ruling na isinapubliko noong Martes April 8, 2025 dinismis ng COMELEC ang 370 overspending cases kabilang ang kay Gob. ER Ejercito. 

“The Commission, after due deliberation RESOLVED, as it hereby RESOLVES, to adopt the recommendation of the Law Department to DISMISS the herein listed cases in violation of Section 100 as amended, in relation to Section 262 of the Omnibus Election Code (Overspending). Let the Law Department implement the Resolution. SO ORDERED,” nakasaad sa Minute Resolution (M.R.) No. 24-0899, na pirmado ni Comelec Chairman George Erwin M. Garcia at anim na mga commissioners, ito ay na-promulgate noong November 5, 2024 at inisyu (N.R.) noon pang January 7, 2025.

Sa 370 na overspending cases, tanging si Ejercito lamang ang nasuspinde at bumaba sa posisyon (Selective Injustice).

Labindalawang taon na ang nakalilipas nang sampahan ng election overspending case ni Edgar “Egay” S. San Luis at ng fall guy nito na si Rene A. Catarino laban kay Gob. Ejercito na tumalo sa kanya ng may MALAKING LAMANG noong 2013 gubernatorial race sa Laguna. Gumamit umano ng falsified (fake)TV advertising documents mula sa ABS-CBN bilang ebidensiya na idinesenyo at isinumite ng abogado ni San Luis na si Atty. Rodel Paderayon. 

Sa kabila ng pagkakaroon ng matinding standoff sa Kapitolyo ng Laguna sa Sta. Cruz, kinumbinse ni dating Pangulong Joseph “ERAP” Ejercito Estrada ang kanyang pamangkin na si ER na bumaba na para maiwasan ang “bloodshed.”  

“My uncle, former Philippine President Joseph “ERAP” Ejercito Estrada had to fly into the Capitol grounds via a chopper to convince me to step down to avoid bloodshed and also gave me advice to just fight my legal battle at the Supreme Court. I was then forced to leave the Laguna Provincial Capitol on May 30, 2014 by then President Benigno “Noynoy” Aquino, III following an intense standoff between law enforcement officials and thousands of my supporters at the Provincial Capitol of Laguna in Santa Cruz,” sabi pa ni Ejercito.  

Si Ejercito, na nanilbihan bilang Mayor ng Pagsanjan sa loob ng tatlong termino mula 2001 hanggang 2010 at dalawang beses na nanalo bilang Gobernador ng Laguna (2010 hanggang 2914) ay may intensiyon na bumalik sa political arena. 

“I have filed my COC and I am now aggressively campaigning once again for the Mayorship of Pagsanjan for the upcoming May 12, 2025 elections, aiming for a return to local administration and governance. The recent resolution marks a significant chapter in my political career, as I seek to re-establish myself within the Laguna political landscape. Political Analysts and Observers will be watching closely as the elections approach, given my colorful political history and the implications of this dismissal on my political career,” dagdag pa ni Ejercito.

Samantala, tiniyak naman ng Comelec na mareresolba nila ang lahat ng kaso laban sa mga kandidato bago magsimula ang botohan sa May 12.

Ito ay para matiyak na walang pagdududa sa mga kandidato at sa mga botante.

Ayon kay COMELEC Chairman Garcia na sa ngayon ay nasa 84% na ang disposal rate ng COMELEC o mga kasong hawak ng komisyon na nabigyan na ng desisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …

Aira Lopez bday Mark Leviste

Aira Lopez may kilig birthday surprise

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAGDIWANG ni Aira Lopez ang kanyang ika-27 birthday kasama ang pamilya, Sparkle family, …

Anthony Rosaldo Wish Bus

Anthony Rosaldo nagpasiklab sa The Roadshow ng Wish Bus

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG solid performance ang inihatid ni Anthony Rosaldo sa The Roadshow ng Wish 107.5 Busnoong April …