Friday , April 18 2025
Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

Pagkakapantay-pantay ng bawat uri ng pamilya isinusulong ng #50 Pamilya Ko

OUT of 156 partylists na nagnanais makakuha ng posisyon sa kongreso, namumukod tangi ang adbokasiya ng #50 Pamilya Ko Partylist.

Ito ang binigyang diin ni Pamilya Ko Partylist nominee Atty. Anel Diaz matapos mag-ikot sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi niyang sila ang nag-iisang partylist na nagsusulong ng interes at pangangailangan sa iba’t ibang anyo ng modernong pamilyang Filipino.

Ito ay tumutukoy sa mga pamilyang nasa kondisyon na tinatawag nilang LOVABLES na kinabibilanagn ng live-in parents, OFW parents, victims of domestic abuse, adoptive families, blended families, LGBTQIA families, elderly extended families, at single o solo parents na kadalasang may reserbasyon sap ag-unawa ang lipunan.

Sinabi ni Diaz, sa kanilang pag-iikot, lagi nilang binibigyang diin ang equality o pagkakapantay pantay, bunsod ito ng kadalasang nararanasan ng modernong pamilya na kadalasang nakararanas ng diskriminasyon o paglibak ng ibang tao.

Kaya nga’t lahat ng mga batas na kanilang isusulong ay nakaugat sa usapin ng pagkakapantay pantay.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …