Tuesday , April 29 2025
Institutionalize healthcare system isusulong ng Pamilya Ko Partylist

Institutionalize healthcare system isusulong ng Pamilya Ko Partylist

ISUSULONG ng Pamilya Ko Partylist ang pagkakaroon ng institutionalize healthcare system sa bansa upang sa ganoon ay maseguro at matiyak ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilyang Filipino lalo ang mga senior ctizen.

Ang pahayag ay ginawa ni Pamilya Ko Partylist nominee Atty. Anel Diaz matapos ang kanyang pag-iikot sa mga kababayan sa General Trias, Cavite.

Ayon kay Diaz, mahalagang tutukan ang sektor ng kalusugan para sa bawat pamilyang Filipino.

Sa mga isinagawang medical missions, napagtanto ni Diaz  na  marami ang natatakot magpa-check up dahil sa kakulangan ng salapi, kaya maraming maysakit ang natitingnan na lamang ng doktor kung kailan matindi na ang karamdaman.

Sa huli,  aniya, malala na ang karamdaman o sakit ng isang miyembro ng isang pamilya hindi dahil sa natakot malaman ang sakit kundi sa kawalan ng kakayahang magpatingin sa isang doktor.

Dahil dito, sinabi  ni Diaz na kanilang isusulong ang tinatawag na institutionalize healthcare regular periodic diagnostic and check up para sa bawat miyembro ng pamilyang Filipino lalo na ang mga senior citizen.

Kaugnay nito tiniyak ni Diaz  na kanilang ipaglalaban at isusulong ang karapatan at nararapat na benepisyo ng bawat pamilyang Filipino sa sandaling bigyan sila ng pagkakataong mailuklok sa kongreso ngayong darating na halalan sa 12 Mayo 2025.

Pinaalalahanan ni Diaz ang lahat ng bawat Filipino, kahit anong tribu ang pinanggalingan, at pinagmulang probinsya ay bahagi ng isang pamilya.

Ayon kay Diaz, kahit anong estado sa buhay ng isang tao, may kapansanan man o wala, bata man o mantada ay pawang mula at bahagi ng  isang pamilya.

Kung kaya’t mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang karapatan at benepisyo ng bawat mamamayang Filipino na nanggaling at bahagi ng isang pamilya.

Aminado si Diaz na hindi madali para sa kanilang baguhang partylist na nagsimula sa isang foundation, ngunit sa kanilang pagnanais na makapagsilbi nang higit sa bawat pamilyang Filipino, naniniwala silang walang imposible  sa kanilang laban na tinatahak.

About hataw tabloid

Check Also

Aiko Melendez

Aiko umalma pinagbintangan sa baklas tarpaulin ng isang kongresista

MA at PAni Rommel Placente PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga …

Pope Francis Tacloban

Banal na Misa idinaos sa Tacloban airport bilang parangal sa Prelado  
HIGIT PA SA PAG-ASA INIHANDOG NI POPE FRANCIS SA MGA PINOY

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Sabado ng hapon ang …

TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

Para sa paglikha ng trabaho
TRABAHO Partylist, suportado port projects ng Administrasyon

BUONG suporta ang ipinahayag ng TRABAHO Partylist sa Build Better More (BBM) infrastructure program ni …

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …