Saturday , April 19 2025
Lito Lapid

Lito Lapid top 7 sa Octa Survey 

TUMAAS pa  ang tiwala ng taumbayan kay Sen. Lito Lapid matapos manatili sa “Magic 12” ng pinakabagong pre-election survey ng OCTA Research para sa 2025 senatorial race. Isinagawa ang survey mula February 22-28, 2025.

Batay sa resulta ng OCTA Research survey, naitala ni Lapid ang 43% ratings ng mga botante at nasa ikapitong ranking.

Nauna rito, pumatok si Lapid sa top 3 sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) sa survey na isinagawa rin ng kaparehong date.

Nahalal na senador si Lapid noong 2004 at sakaling manalo ay ikaapat na termino na niya.

Sa ilalim ng 14th Congress pa lang, isa si Lapid  sa top performing senators dahil sa dami ng mga panukalang batas at resolusyon na inihain. Siya ang may akda ng isa sa mga makabuluhang batas sa lipunan, ang Free Legal Assistance Act of 2010 na naglalayong tiyakin na ang mahihirap ay mabibigyan ng libreng kalidad na serbisyong legal.

Ilan pa sa iniakda ni Lapid ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at Adopt-A-Wildlife Species Act.  (MVN)

About hataw tabloid

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …